The Cure may powerhouse cast
MANILA, Philippines — Ayon sa mga litratong lumabas sa social media kahapon na pinangunahan ni Direk Mark Reyes, star-studded ang cast ng upcoming show ng GMA 7 na The Cure kung saan mapapanood in one show ang Kapuso stars na sina Tom Rodriguez, Mark Herras at Jennylyn Mercado.
Kasama rin sa cast sina LJ Reyes, Ken Chan, Arra San Agustin, at Jaclyn Jose. Wala pang detalye ang kwento nito, pero sumugod agad ang netizens sa comments section dahil excited sila sa bagong project ni Direk Mark.
Kakatapos lang ng My Korean Jagiya ay meron na siya ulit na bagong show kaya nakaka-excite. Sasabak na kaya ulit si Direk Mark sa heavy drama? Ano kaya ang konsepto ng proyektong ito?
- Latest