^

PSN Showbiz

Anak ni Michelle Ortega mas close sa bagong daddy kesa kay Lito Lapid

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon
Anak ni Michelle Ortega mas close sa bagong daddy kesa kay Lito Lapid

Ysabelle

PIK: Marami ang nag-comment sa Instagram post ni Kris Bernal kung saan inaalagaan niya ang kanyang pamangkin na si Justin habang natutulog ito sa kama.

Bagay daw pala sa personality ng bida ng Impostora ang maging isang mommy lalo pa’t selfless siya at sobrang dedicated, tulad na lamang ng role niya as Nimfa sa Impostora na talaga namang laban kung laban para sa mga anak ni Homer (Rafael Rosell).

Kitang-kita kay Kris ang pagiging passionate kaya sana magka-baby na rin siya dahil siguradong lalaking tulad niya ‘yon. Kailan nga ba ang oras na ito, Kris? Aabangan natin yan!

PAK: “I gained another father,” sabi ni Ysabelle Ortega nang nakatsikahan namin sa kasal ng Mommy niyang si Michelle Ortega kay Gen. Greg Pimentel.

Nakikita kasing close si Ysabelle sa Tito Greg niya, at nabanggit nga ni Michelle na kaya niya lalong minahal at pumayag na magpakasal ay dahil nakikita raw niyang minahal din ang nag-iisang anak niyang si Ysabelle.

Sabi naman ni Ysabelle, okay daw sila ng Daddy niyang si dating Sen. Lito Lapid, pero ang Tito Greg ang madalas niyang nakakasama dahil sa Mommy niya. At least, nagkaroon na raw siya ng dalawang daddy.

Pero base sa mga sagot ni Ysabelle, tila hindi siya ganun ka-close sa kanyang tunay na Daddy na si Sen. Lapid.

BOOM: Nabanggit sa amin ni direk Joel Lamangan sa pa-presscon ng BG Films at birthday party ng line producer nilang si Dennis Evangelista na magkakaroon daw sila ng pagtitipon na gagawin sa Salu restaurant sa January 26 para pag-usapan kung anong tulong ang ibibigay nila kay Bernardo Bernardo na nagkakaroon ng pancreatic tumor.

Kamakailan lang ay ipinost ng kilalang stage at character actor sa kanyang Facebook account ang kalagayan ng kanyang karamdaman pagkatapos niyang ma-check up sa UST Hospital.

Sabi niya sa kanyang FB account; “My pancreas is swollen because of a tumor, possibly malignant, growing in the head of the pancreas…I have lost my appetite for food and, consequently, lost a lot of weight at an alarming rate in such a short span of time.”

Nababahala ang mga malalapit na kaibigan ni Bernardo Bernardo, at isa na rito si direk Joel na willing tumulong. Pero mas mahalaga raw ang dasal para kay Bernardo dahil mas kailangan daw niya ito sa ngayon.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with