^

PSN Showbiz

Katawan ni Juday mas mukha pa raw pangdalaga kesa kay Angelica!

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon
Katawan ni Juday mas mukha pa raw pangdalaga kesa kay Angelica!

Juday at Angelica

Pinay Beauty Queens bumida sa Harpers Vietnam; MARK BAUTISTA umaming bakla?!

Seen: Cover girls ng Harpers Bazaar Vietnam sina Miss World 2013 Megan Young, Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach, at Miss International 2016 Kylie Verzosa.

Scene: Ang plano na i-release sa mga bookstore sa February 2018 ang Beyond The Mark, ang biography book ni Mark Bautista. Marami ang naghihintay sa “tell-all” memoir ni Mark.

Seen: Hindi na inililihim nina Janella Salvador at Elmo Magalona ang relasyon nila sa Boracay Island, ang venue ng beach wedding nina Maxene Magalona at Robby Mananquil.

Scene: Napapadalas ang mga meaningful quotes posting ni Marvin Agustin buhat nang bigyan ng malisya ang closeness at friendship nila ni Markki Stroem.

Seen: Iginiit ni Ryza Cenon na supportive sa kanyang acting career at hindi seloso ang boyfriend niya na si Cholo Barretto kaya hindi ito affected ng mga love scene nila ni JC Santos sa Mr. & Mrs. Cruz ng Viva Films.

Scene: Ang mean observation na mas mukhang dalaga at pang-dalaga ang katawan ni Judy Ann Santos kesa kay Angelica Panganiban nang dumalo sila sa presscon ng Ang Dalawang Mrs. Reyes.

Seen: Kahit forte na niya ang gay roles, walang nagdududa sa sexual preference ni Joross Gamboa na ginagawang biro ang pagganap niya na bakla sa mga pelikula dahil sigurado siya sa kanyang pagkalalaki.

Scene: Ngayon ang last telecast ng Pusong Ligaw ng ABS-CBN at My Korean Jagiya ng GMA 7. Ang Asintado ang ipapalit ng ABS-CBN sa Pusong Ligaw at ang The One That Got Away ang kapalit ng My Korean Jagiya.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with