^

PSN Showbiz

Pres. Digong walang kiyemeng nakipagkamayan sa mga bagong kumpare at kumare

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Pres. Digong walang kiyemeng nakipagkamayan sa mga bagong kumpare at kumare

with P-Digong and Ime

Confidently beautiful with a heart ako sa garden wedding nina Michelle Ortega at Papa Greg sa Baguio City noong Miyerkules dahil hindi ako nag-make up at walang nag-ayos ng buhok ko, kahit puwede kong hiramin ang make up artist ng bride.

At least, natupad ang dream ko na makapagpakuha kami ng litrato ni President Rodrigo Duterte na kumpare ko na ngayon dahil mga principal sponsor kami sa kasal nina Michelle at Papa Greg.

Ang lakas talaga ng karisma ni Papa Digong kaya love na love siya ng mga kababayan natin.

Imagine, naisip pa ni Papa Digong na isa-isang lapitan at kamayan ang mga kapwa ninong at ninang na matunog na tinawag niya na kumpare at kumare.

Proud and honored ako sa first time encounter namin ni Papa Digong at wish ko lang, the feeling is mutual.

Hindi lamang si Papa Digong ang kasama ko sa picture dahil may litrato rin kami ng twin sister ko, si Ilocos Norte Governor I­mee Marcos na nakaka-insecure ang kaseksihan.

Pagluha ni John Lloyd sa kasal nila ni Ellen inaabangan

Radiant bride si Michelle sa kanyang gown na puro bulaklak na bumagay sa cool weather ng Baguio City.

Bakas na bakas sa mukha ni Michelle ang sobrang kaligayahan dahil natagpuan na niya ang lalaki na kanyang makakasama forever and ever.

Isang military man si Papa Greg pero normal na yata sa mga lalaki na ikinakasal ang mapaiyak dahil naging emosyonal siya habang naglalakad sa aisle patungo sa mga bisig niya ang kanyang bride.

Paano kung si John Lloyd Cruz na ang ikasal kay Ellen Adarna? Kung napaluha sa araw ng kanyang kasal ang isang military man na kagaya ni Papa Greg, si John Lloyd pa kaya na mukhang mababaw rin ang luha?

Anak ni Michelle botong-boto sa bagong daddy

Ang one and only daughter ni Michelle na si Ysabel ang maid of honor sa garden wedding ng nanay niya at second father.

Napakaganda na bata ni Ysabel at dahil bagets-looking din si Michelle, puwedeng mapagkamalan na magkapatid ang dalawa.

Botong-boto si Ysabel kay Papa Greg as in parang tunay sila na mag-ama kaya wala nang mahihiling pa si Michelle dahil magkasundo ang mga tao na mahalaga sa kanya.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with