^

PSN Showbiz

Take it! Take it!, RIP na ang pinanggalingan!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Hindi naman ako offended sa Take it! Take it! video na naka-post sa Instagram account ni John Lloyd Cruz na binibigyan ng malisya ng ibang mga tao dahil patama at pang-iinsulto sa akin.

Never ako na maiinsulto dahil hindi ko naman idine-deny ang kagagahan na ginawa ko sa Manila Film Festival noong 1994.

At sa millennials na walang knowledge sa mga nangyari noong June 1994 sa Manila Midtown Ramada Hotel, Take It! ang title ng column ko rito sa Pilipino Star NGAYON pero sumikat ang nasabing linya dahil kay 1993 Miss Mauritius Viveka Vavajee na presentor ng Best Actor award sa Gabi Ng Parangal ng 1994 Manila Film Festival.

Si Vavajee at hindi ako ang original na nag-dialogue ng “Take it! Take it!”

Resting in peace na si Vavajee dahil kinitil nito ang sariling buhay sa pamamagitan ng pagbibigti noong June 25, 2010 sa Mumbai, India.

‘Hindi ko babawiin ang mga impormasyong nakarating sa akin’

Hindi ko nararamdaman na imbyerna sina Ellen Adarna at John Lloyd Cruz sa mga balita ko tungkol sa plano na pagpapakasal nila sa isang beach resort sa Cebu City sa February 2018.

Uulitin ko, nag-share lang ako sa readers ng PSN, PM (Pang-Masa) at followers ko sa Instagram tungkol sa mga balita na ipinarating sa akin ng isang source.

Never ko na hinusgahan ang relasyon nina John Lloyd at Ellen dahil hanga ako sa pagpapakatotoo nila. Ipinaglalaban ng dalawa ang kanilang relasyon at deadma sila sa mga tao na hindi matanggap ang love affair nila.

Basta hindi ko babawiin ang mga impormasyon na nakarating sa akin  dahil ‘yon ang ikinuwento ng source ko na may mga pangalan na binanggit kaya pinaniwalaan ko.

Gusto lang siguro ng haters at bashers nina John Lloyd at  Ellen na maapektuhan at mapikon ako na hinding-hindi mangyayari dahil sa tagal ko na sa showbiz, nothing will shock me anymore.

Alexander malungkot na babalik ng Korea

Malungkot ang Korean actor na si Alexander Lee dahil matatapos na sa Bi­yernes, January 12, ang My Korean Jagiya, ang primetime teleserye nila ni Heart Evangelista.

Maraming good memories si Alexander tungkol sa My Korean Jagiya, sa mga artista at production staff na nakatrabaho niya.

“I think I will miss having heart to heart talks with Heart. She really understands my feeling instantly and always gives me good advices on work and even on life.

“And I will definitely miss working with her because she is so easy to work with and the chemistry is just perfect,” ang sabi ni Alexander na hindi rin malilimutan nang mag-taping sila ni Heart sa Las Casas Filipinas de Acuzar para sa mga eksena nila sa My Korean Jagiya.

“Personally, the most memorable scene to me was in Bataan. The gondola scene was a great experience, and I had a great time talking with Heart on the boat about our personal lives, which made our friendship even closer.

“Also, the monument and the architecture were so beautiful and I had a fun time dressing up in traditional Filipino/Spanish clothes, so that made me remember that scene a lot,” ang kuwento ni Alexander na nag-promise na babalik siya sa Pilipinas.

Ang Las Casas Filipinas de Acuzar ang sikat at dinarayo na tourist attraction sa Bagac, Bataan na ipinagmamalaki ni Buhay party-list Representative Lito Atienza.

May imbitasyon si Papa Lito sa akin at sa ilang members ng entertainment press na bisitahin ang Las Casas Filipinas de Acuzar dahil tiyak na magugustuhan daw namin ang isa sa mga favorite vacation place niya sa Northern Luzon.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with