^

PSN Showbiz

Kapuso anchor na si Kara David nauna na sa kasalan

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Ngayong araw ng Sabado, January 6, 2017 ang kasal ng GMA multi-award-winning journalist-documentarist, TV news anchor and triathlete na si Kara David sa kanyang singer-composer fiancé na si LM Cancio. Ang kasal ay gaganapin sa St. James the Apostle Parish sa hometown ni Kara sa Betis, Pampanga matapos ang kanilang dalawang  taong relasyon.

Si Kara ay may teen-age daughter na si Julia na mag-isa niyang inaruga at pinalaki.

Si Kara ay nagtapos na cum laude sa Bachelor of Arts in Broadcast Communication  sa University of the Philippines kung saan siya kumuha rin ng kanyang master’s degree.

Taong 1995 nang unang mag-trabaho si Kara bilang production assistant sa news department ng GMA hanggang sa siya’y ma-promote as writer-researcher ng programang Emergency.  Naging bahagi rin siya nang morning daily program na Unang Hirit kung saan siya may two-minute segment na may kinalaman sa iba’t ibang adventure at ins­piring features. Nag-host din si Kara sa ilang public affairs program ng GMA tulad ng Case Unclosed at OFW Diaries. Sa kasalukuyan ay isa siyang news anchor ng News to Go ng GMA News TV, ang food magazine show na Pinasarap also on GMA News TV at bilang writer, producer at host ng award-winning documentary program na I-Witness.

To Kara and LM, our congratulations and best wishes!

Billy at Coleen pareho ng diskarte kina Maxene at Robby

Parehong ayaw pang mag-share ng kanilang respective wedding details ang dalawang engaged couple na sina Billy Crawford at Coleen Garcia at sina Maxene Magalona at Robby Mananquil na parehong this year nakatakdang ikasal.

Summer this year diumano ika­kasal sina Billy at Coleen at malamang mangyari sa isang kila­lang beach resort. Early this year din nakatakdang ikasal sina Maxene at Robby dahil nagkaroon na ng bridal shower si Maxene recently na ginanap sa Tiffany & Co. shop sa Rustan’s Makati organized by Pia Arroyo-Magalona na dinaluhan ng ilang malalapit sa singer-actress.

Ang pre-nup pictorial nina Billy at Coleen ay kinunan pa sa Ethiopia habang sina Maxene at Rob naman ay nag-shoot sa Paris.

Alden may malaking celebration sa EK

Last January 2 ay nag-celebrate si Alden Richards ng kanyang ika-26th birthday sa Eat Bulaga kung saan siya naging bahagi sa loob ng tatlong taon.

Ang daming ipinagpasalamat si Alden, unang-una sa Diyos, sa kanyang pamilya, sa kanyang mga kasamahan sa Eat Bulaga at sa fans niya at fans nila ni Maine Mendoza na patuloy na sumusuporta sa kanya at sa tambalan nila.

Ang pakiusap lamang ni Alden na sana’y mawala na ang hate at bashing sa ibang tao at matuto na lamang magpasalamat sa mga blessings na dumarating sa kanilang buhay.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with