PSN Home Skinning Left , pagematch: 1, sectionmatch:
PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Fans sinagad na ang ilusyon kina Alden at Maine

Hayyyyyy, ang babaw talaga ng kaligayahan ng AlDub fanatics.

Sa kabila ng paglalabas ni Maine Mendoza ng isang open letter  kung saan ay inihayag niya ang katotohanan sa kanilang pagpa-partner ni Alden Richards at kung ano ang dapat asahan sa kanila ng fans, buhay pa rin ang pag-asa ng kanilang mga tagasubaybay na baka puwedeng silang dalawa pa rin in the end.

Hindi naman bawal mangarap kaya tinaasan na rin nila ang pangarap nila.

Angel ipinagdarasal kay Neil

Everybody is happy for Angel Locsin na nakatagpo na ng kanyang bagong pag-ibig sa katauhan ng movie producer na si Neil Arce. Nakatutuwa ang pagkakaroon nila ng relasyon na pinakamagandang pangyayari sa buhay ni Angel sa nagdaang taon.

Dasal lang ng followers niya na forever na sila ng movie producer at dumako sa mas maganda ang relasyon nila.

John Lloyd wini-wish na makabawi

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Sa ginawang hindi magandang pamamaalam ni John Lloyd Cruz sa nagdaang taon, wish lang ng followers niya na maging maganda sa kanya ang taong 2018.

Janella kinakawawa ng ina

Nakakalungkot naman na si Janella Salvador pala ang bina-blind item ni Je­nine Desiderio na nag-gatecrash sa family reunion ng pamilya niya.

Saang anggulo mo man tingnan hindi kailanman maitutu­ring na gatecrasher ang isang anak sa isang event ng kanyang pamil­ya. And Jenine should not have posted this sa kanyang IG account, bilang paggalang sa kanyang anak na may pangalan na.

Bakit kailangan pa nilang isapubliko ang kanilang problemang pampamilya? At bakit hindi tumulong ang mga kamag-anak para mapagbati ang mag-ina?

Ang gandang chance na nu’ng reunion, bakit sinayang pa nila. Tsk. Tsk. Tsk.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us:
PSN Home Skinning Right, pagematch: 1, sectionmatch: