PSN Home Skinning Left , pagematch: 1, sectionmatch:
PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Loisa may galit pa Kay Joshua!

Hanggang ngayon ay hindi pa rin umano naaayos ang gusot sa pagitan nina Loisa Andalio at Joshua Garcia. Matatandaang nagkatambal at sinasabing nagkaroon ng espesyal na ugnayan ang dalawa noon. 

Ngayon ay magkasama sina Loisa at Joshua sa teleser­yeng The Good Son kaya may bulung-bulungan na hindi pa rindaw nag-uusap ang dalawa sa set. “Kung wala naman pong dapat kaming pag-usapan, hindi naman kami nag-uusap. Kasi siyempre gusto ko na lang pong maging matahimik ‘yung side niya, side namin,” makahulugang pahayag ni Loisa. 

Si Julia Barretto na ang kasintahan ngayon ni Joshua at masaya raw si Loisa para sa aktor. “Sa akin po, sa totoo lang po, para wala nang dapat pag-usapan. Masaya ako para sa kanya, masaya ako para sa mga nangyayari sa career niya ngayon,” giit ng dalaga. 

Samantala, ang Hashtags member na si Ronnie Alonte ang sinasa­bing espesyal ngayon sa puso ni Loisa. Ayon sa aktres ay nasa ‘exclusively dating’ stage na sila ng binata. “Nasa gitna, hindi pa ngayon pero papunta do’n (opisyal na relasyon),” natatawang pahayag ni Loisa.

LUIS susubok sa food business 

Kamakailan ay nag-guest si Luis Manzano sa GalaStars Culinary Celebrity Series na isang webisode ni chef Ernest ‘Erns’ Gala. Malapit na kaibigan ng aktor si chef Erns kaya agad na pinaunlakan ang imbitasyon nito sa kanya. 

Aminado si Luis na mahilig talaga siya sa iba’t ibang uri ng pagkain lalo pa’t may kinalaman dito ang kursong tinapos niya sa kolehiyo. “This feels like a homecoming for me because I was always inside a kitchen when I was still studying Hotel and Restaurent Management. It has been a while since I get to hold pots, pans, utensils,” nakangiting pahayag ni Luis. 

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Isang malaking karangalan din para sa binata ang makakuha ng dagdag kaalaman mula kay chef Erns. “Learning for the best whose culinary skills and that of his family cannot be questioned is an enlightening and one big learning experience for me,” giit ng aktor. Gustong matutunan ni Luis ang tamang pagluluto ng isang putahe na matagal na raw niyang sinusubukang gawin. “Salpicao Pasta is a personal favorite of my mom, my brother and my Tito Ralph. I tried cooking it several times but there were a few hits and misses. So hopefully through chef Erns, I will finally get to do it properly,” dagdag pa niya. 

Sa mga susunod na taon ay posibleng pasukin na ng aktor ang pagkakaroon ng food business. “This is just the start of a long-term partnership with my friend chef Erns and I look forward to learning more from him,” pagtatapos niya.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us:
PSN Home Skinning Right, pagematch: 1, sectionmatch: