PSN Home Skinning Left , pagematch: 1, sectionmatch:
PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Janella gatecrasher sa reunion ng pamilya?!

Kanya-kanyang hula ang mga nakabasa sa Facebook post ni Jenine Desiderio kung sino ang kanyang pinatatamaan na nag-gate crash sa Christmas reunion ng kanyang pamilya. Ang husay mag-blind item ni Jenine at walang clues.

Tama kaya ang hula ng iba na ang anak na si Janella Salvador ang target ng BI ni Janella at hindi outsider ng pamilya nila dahil paano malalaman ng hindi nila kapamilya ang family reunion nila?

Post ni Jenine: “How dare you gate crash both sides of our family’s Christmas reunions. Do you really just do this as in come uninvited? And how could you enjoy knowing i did not come in knowing you were there? My family’s too decent to make you leave but you think you’re welcome & accepted? Think again. If you can. #angkapal.”

Anyway, kung hindi si Janella ang pinatutungkulan ni Jenine, sino kaya ang gate crasher na ito? Saka, hindi pa rin nasasagot ang pagtataka ng followers ni Janella kung bakit walang family photos sina Janella at Jenine sa nakaraang Holiday season?

Heart sinimulan ang paggawa ng baby!

Mukhang sinunod ni Heart Evangelista ang payo ng mister niyang si Sen. Chiz Escudero to enjoy her body habang hindi pa siya buntis dahil noong bakasyon nila sa Balesin, muling nakita ng followers niya sa socmed ang pictures niyang naka-swimsuit.

Bitin lang ang fans ni Heart dahil one-piece swimsuit ang suot at hindi two-piece. Sana raw mag-post si Heart na naka-two-piece swimsuit bago siya magbuntis. Parang matutupad ang nabanggit nitong magbubuntis siya this January at bago matapos ang 2018 ay may baby na sila ni Sen. Chiz.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Kaya namin nasabi ito dahil ang caption ni Heart sa picture nila ni Sen. Chiz ay “Started 2018 in the arms of my husband. So Excited for our little project this year...Love you!”

Ang nababanggit lang naman ni Heart na project nila this year ni Sen. Chiz ay ang paggawa ng baby.

Tamang-tama lang dahil malapit nang magtapos ang My Korean Jagiya and in fact, after this Wednesday, seven days na lang at magtatapos na ang hit rom-com series nila ni Alexander Lee sa January 12. Happy ending ang inaabangan ng sumubaybay sa rom-com series sa direction ni Mark Reyes.

Ryza napagkamalang newbie sa showbiz

Kasama si Ryza Cenon sa winner at nasa Top 10 pa ng online poll na Breakthrough Stars ng Philippines. Kaya lang, parang mali ang category na nasalihan niya dahil hindi baguhan si Ryza.

Ilang years na rin sa showbiz kaya parang hindi na siya bagay sa nasalihang list lalo at nakalagay na ang isang criteria sa pana­nalo niya ay “phenomenal debut.” Anyway, an award is an award, kaya ‘wag na tayong mag­reklamo.

Obviously, dahil sa Ika-6 Na Utos kaya nasa­ma sa listahan si Ryza dahil talagang tumatak sa viewers ang karakter niya bilang Georgia.

Aminado si Ryza na mahihirapan siya to look for another role and project na kasing lupit ng role niyang si Georgia at sa story ng Ika-6 Na Utos.

Samantala, pinu-promote na ni Ryza ang January 24, showing ng movie nila ni JC Santos na Mr. And Mrs. Cruz. Ang cute lang dahil parehong kulot ang hair nila ni JC sa Viva Films movie sa direction ni Sigrid Andrea Bernardo.

Pagkawala ni Patricia sa EB kinokonek kay Alden

Ginulat ni Patricia Tumulak ang viewers ng Super Ma’am nang bigla siyang lumabas sa eksena bilang isa sa special guest ng action/fantasy series ni Marian Rivera. Matagal na kasing hindi napapanood si Patricia sa Eat Bulaga at hanggang nga­yon, malabo pa kung bakit hindi na siya lumalabas.

Nag-resign ba siya o inalis? At bakit? Wala naman sigurong kinalaman ang tsismis sa kanila ni Alden Richards na hindi pinaniwalaan ng mga reporter.

Nag-post si Patricia ng “Starting the new year with a whip! Ako na ba ang bagong super ma’am? At bakit ako nakatingin sa taas?”

Isa si Ruby Rodriguez sa nag-comment sa post ni Patricia ng, “Yan na oh.”

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us:
PSN Home Skinning Right, pagematch: 1, sectionmatch: