^

PSN Showbiz

Taob ang sariling atin, Katy, Bruno, The Script, at iba pang foreign artists hahataw sa concert scene!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon

Magiging exciting kaya ang concert scene ngayong 2018?

Sinu-sino ang mga foreign and local artist na aabangan natin?

Nangunguna ang tambalang James Reid and Nadine Lustre para sa concert nilang Revolution sa Araneta Coliseum on February 9. Ngayon lang uli sila babalik sa  Araneta after ng super successful concert na JaDine in Love noong 2016 bago nag-ending ang On the Wings of Love. Sa Bohol nagbakasyon ang JaDine after Christmas.

Si Sarah Geronimo ay may nakatakdang major concert pero wala pang sinasabing sche­dule ang Viva Live kung anong date at venue.

 

 

 

 

Matagal nang nami-miss si Sarah sa concert scene dahil nagpahinga siya last year. From the Top ang huling major concert niya sa Araneta Coliseum and Mall of Asia. Siya pa lang ang local artist na nakapuno ng dalawang venue para sa isang concert.

Meron din ang grupo nina Martin Nievera, Ogie Alcasid, Erik Santos and Regine Velasquez - #paMORE sa Mall of Asia. Pre-Valentine concert ang #paMORE.

So far, sila pa lang ang nari­rinig kong local artist na may naka-schedule na concert this year.

Pero ang foreign artist, plan­tsado na ang lahat.

Darating si Katy Perry (April), ang grupong Paramore (Feb­ruary) and The Script (April) , Bruno Mars (May), Harry Styles (former One Direction member, May); Niall Horan (former One Direction member, June). Meron pang Joe & Tamia, Japanese group na Nice to Meet You and One Ok Rock.

Wala pa rito ‘yung mga K-Pop group na nadadalas na sa bansa ang concert dahil nga sa pagkaadik ng mga Pinoy sa K music and drama.

Meron pang ibang mga may edad nang foreign artist na mga sumikat noon ang kanta sa bansa na sa mga hotel lounges na lang nagpe-perform.

Talong-talo noon pa ng mga foreign ar­tist ang Pinoy performers natin na sa maliliit na venue na lang napapanood mag-concert. Either sa Kia Theater o Music Museum. Iilang local singers na lang ang nakakapuno sa Araneta and MOA – the likes of Regine Velasquez and Vice Ganda and si Sarah nga.

Nung kainitan ng ‘singing career’ ni Anne, dalawang beses niyang napuno ang Araneta Coliseum. Ngayon ay hindi na masyadong sintunadong kumanta si Mrs. Erwan Heussaff at medyo nakakabirit na siya ng sakto.

OPM kailangan pa ng push!

Panahon na rin siguro para tutukan ang local music natin bago tuluyang maglaho.

I-push ng OPM o Organisasyon ng Pilipinong Mang-aawit ang pagpapatugtog ng local songs sa ere kada oras para naman may recall at ma-inspire rin ang mga Pinoy singer natin. Iba pa rin ang radio exposure kesa sa Internet o sa Spotify.

In all fairness, sa Spotify, more than a million ang subscribers ng OPM Favorites, 1,198,470 to be exact.

Jadine

Nang i-check ko kahapon nanatili sa No. 1 ang Kung Wala Ka (Hale); 2. With a Smile (South Border); 3. Torete (Moonstar88); 4. Tadhana (Up Dharma Down); 5. Malaya (Camp Sawi Original Motion Picture Soundtrack, Moira); 6. Sa’yo (Silent Sanctuary); 7. Pasensya Ka Na (Silent Sanctuary); 8. Sila (Sud); 9. Migrainer (Moonstar88); 10. Tell Me Where It Hurts (MYMP) at iba pang mga classic songs na nasa OPM Favs.

Mas popular na ngayon sa atin ang Spotify kesa iTunes. Mas cheaper ang charge sa Spotify at puwedeng annual ang payment.

Ang mga music store ay iilan na dahil nga nalaos ang mga hard copy ng mga album at maging ng mga pelikula o DVDs/CDs ng Internet.

Ogie

Si Ogie Alcasid pa rin ang pangulo ng OPM at malalaki ang naging project nila before. So inaasahan na kahit mahirap na kakumpetensiya ang Internet na nakukuntento na lang ang ibang singer natin at doon na lang sila nagbi-build up ng career, tulad sa pelikula sana ay sumigla uli ang local music industry para naman lahat ay masaya.

‘Wag pababayaan at malabanan din ang piracy.

Mabiyayang Bagong Taon sa ating Lahat

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with