^

PSN Showbiz

Myrtle bubuhayin ang sexy movies sa 2018!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Si Myrtle Sarrosa raw ang isa sa mga dapat abangan sa 2018 na ilulunsad ng Regal Multimedia. Ito ang isa sa tsika ni direk Maryo J. delos Reyes sa presscon ng Metro Manila Film Festival (MMFF) 2017 na ginanap sa QCX ng Quezon Memorial Circle nu’ng kamakalawa ng hapon.

Bahagi si Myrtle ng pelikulang Haunted Fo­rest at nakakontrata nga ang aktres sa Regal. Ibabalik ng Regal ang sexy movies na hindi na ngayon napapanood sa local films. Kaya umaasa silang mabuhay itong muli dahil hindi ito napanood nang husto sa TV.

Sabi ni direk Maryo, “Sawang-sawa na ako sa network stars na paulit-ulit na napapanood. It’s about time na mag-build up tayo ng bago!”

May pagka-millennial daw ang kuwento ng pelikulang gagawin ni Myrtle at dalawa raw ang leading men niya rito.

Kaabang-abang ito dahil sexy naman si Myrtle, pero kung ilulunsad nga siyang bagong sexy star, sana palitan ang pa­ngalan niya na babagay sa bago niyang image.

PAK: Nakaw-eksena sa MMFF presscon ang baguhang singer na si Hannah Ledesma na bahagi ng pelikulang All of You na pinagbibidahan nina Derek Ramsay at Jennylyn Mercado.

Siya ang nag-represent ng natu­rang pelikula sa presscon at dapat ay kakanta siya, kasunod nina Rachel Alejandro at Celeste Legaspi ng pelikulang Ang Larawan.

Sabi ni Hannah, “Kakanta po sana ako, kaya lang parang ang hirap sundan si Rachel ‘Lobangco’.”

Tawanan ang movie press nang tawagin niyang Rachel Lobangco si Rachel Alejandro.

Hiyang-hiya si Hannah na nag-sorry. “Huwag n’yo na po akong i-quote! Hindi pa nagsisimula ang career ko, tapos na (agad)!”

Nadagdagan pa ito nang humirit siya kay Noel Ferrer na host ng presscon na sinabi niyang singer din pala si Rachel Lobangco.

Kaya hindi na siya kumanta at nagpa-raffle na lang dahil sa pagkakamali.

Mabuti at nakaalis na sina Rachel dahil didiretso pa sa promo ng Ang Larawan.

BOOM: Tiniyak ng pamunuan ng lungsod ng Muntinlupa na secured ang kanilang lugar sa buong parada ng MMFF na gagawin sa December 23.

Mag-uumpisa ang parada sa Muntinlupa Sports Complex at magtatapos sa Filinvest Event Ground.

Tantiya nila, halos tatlong oras ang tatakbuhin ng parada na magsisimula raw ng alas-dos ng hapon. Maghihigpit daw ang security at gusto nilang iparating sa lahat ng gustong manood ng para­da na huwag magdala ng bag. Kung may dala man, nakikiusap sila na transparent ito.

Magtatalaga raw sila ng halos 1,500 security personnel na magbantay para matiyak na safe ang mga manonood at ang mga artistang paparada.

Pagkatapos sa Muntinlupa, diretso ang mga karosa ng walong pelikulang kalahok sa Quezon Memorial Circle para i-display.

Narito ang order ng karosang magpaparada, mauuna ang Ang Lara­wan, sundan ng Ang Panday, Haunted Forest, Gandarrapiddo: The Revenger Squad, Meant To Beh, Deadma Walking, Siargao, at All of You.

Ang mapipiling Best Float ay magwawagi ng P200,000.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with