^

PSN Showbiz

AiAi at Gerald nagsisimba kahit nasa honeymoon

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Kahit nasa honeymoon in Tokyo, Japan ang newly-wed couple na sina AiAi delas Alas at Gerald Sibayan, hindi nakaligtaan ng bagong mag-asawa ang kanilang obligasyon bilang Katoliko dahil nagsimba sila sa Meguro Catholic Church sa Shinagawa, Tokyo, Japan.

Winter ngayon sa Japan kaya ini-enjoy nina AiAi at Gerald ang malamig na panahon doon. Mas marami silang panahon to cuddle at baka gumawa na rin ng baby!

Maria Osawa at Jose hindi na-in love sa unang pagkikita

Hindi ikinakaila ng 31-year-old chef and resto-bar owner at Kapamilya actor na si Jose Sarasola na overwhelming ang pagkakaroon ng isang kasintahan tulad ng Japanese-Canadian (former) adult film actress na si Maria Osawa. Para sa kanya, naging life-changing ang kanilang relas­yon dahil isang kilalang personalidad si Maria. Pero sa kabila nito ay lalo lamang umano lumalim ang kanilang relasyon dahil na rin sa maraming pagsubok laluna ang ha­ters and bashers.

Ang dating Fear Factor Philippines contestant na si Jose at si Maria ay personal naming nakadaupang palad sa opening ng Tokio Café na mata­tagpuan sa ground level ng Twin Oaks sa Greenfield District, Shaw Blvd., Mandaluyong City last Friday, December 15.

Sa biglang tingin ay mapapagkamalan si Maria bilang si Angelica Pa­nga­niban dahil malaki ang kanilang hawig at aware pala rito ang Japanese-Canadian actress.

“Actually, Angelica and I have already met when I guested on Banana Sunday, pahayag ni Maria.

“She’s so pretty,” bulalas pa nito.

Ang kanyang Filipino chef-actor na si Jose ang isa sa mga dahilan kung bakit madalas nasa Pilipinas si Maria.

“I’m also busy with other things.  I’m also putting up a business here with some partners and I also get invited for ribbon cutting, hosting and personal appearances and I love it here,” pahayag pa niya.

Ayon kay Jose, nagkakilala sila ni Maria nang pumunta ang aktres sa kanyang resto-bar sa Pa­rañaque City, ang 75 Sports Bar kasama ang kanilang common friend.

“It was not love at first sight sa aming dalawa,” pag-amin ni Jose. 

“Pero naging simula naman `yon para lalo pa kaming magkakilala.  Last year pa kami nagkakilala pero this year lang kami naging mag-on,” kumpisal pa ng Kapamilya actor.  

Unang nakilala si Maria ng mga Pinoy nang ito’y gumawa ng Metro Manila Film Festival (MMFF) movie na Nilalang na pinagtambalan nila ni Cesar Montano in 2015. Si Robin Padilla sana ang una niyang makakapareha pero nag-back out ang mister ni Mariel Rodriguez.

“I love everything in the Philippines except the traffic,” natatawang pahayag ni Maria na napaka-warm and accommodating.

“Actually, marami siyang traits na parang Pinoy tulad ng pagiging magalang. Makulit din siya pero masayahin,” ani Jose.

It took Jose 7 years bago siya muling nagka-girlfriend.

Ngayong December 19 ay balik ng Tokyo, Japan si Maria kaya hindi sila magkasama ni Jose sa Christmas at New Year.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with