^

PSN Showbiz

Atom pinayagan ng GMA sa AXN!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Hindi na lang sa GMA 7 mapapanood si Atom Araullo sa January 2018 dahil host din siya sa AXN’s Adventure Your Way. Naka-plug na rin sa social media account ng AXN ang tungkol dito at may pahulaan pa sila kung sino ang guest ng show.

Sabi ng manager ni Atom na si Noel Ferrer, walang naging problema sa GMA 7 ang show ni Atom sa AXN dahil mas naunang deal ito bago lumipat sa Kapuso Network si Atom.

Sa January 1, 2018 din sisimulan ni Atom ang first GMA online exclusives kung saan siya ang host ng Adulting. Sa #Goals naman ay si Gabbi Garcia ang host at sa Fact or Fake ay si Joseph Morong. Mapapanood ito every Monday, 5 p.m. sa official YouTube channel ng network.

Joross walang naramdaman nang humiga sa ataul

Naikuwento ni direk Julius Alfonso na 2014 pa ang concept ng Deadma Walking at 2015 ang Die Beautiful bilang sagot sa pagkukumpara sa dalawang pelikula. Hindi niya raw pinanood ang movie ni Paolo Ballesteros dahil ayaw niyang ma-intimidate, “Pero proud ako naikukumpara ang pelikula namin sa Die Beautiful, one of the successful gay films,” sabi ni direk Julius sa entry ng T-Rex Entertainment at OctoArts Films.

Inalam namin kay Joross Gamboa kung ano ang naramdaman niya habang nakahiga sa kabaong at naririnig ang eulogy para sa karakter ni John na kanyang ginagampanan.

Sagot nito, normal lang daw ang pakiramdam na mahiga sa kabaong at importanteng eksena ‘yun sa pelikula, kaya niya ginawa. Hindi siya natakot lalo’t may leksyon siyang natutunan sa pelikula -  ang matutong magsabi ng “I love you” sa mahal natin sa buhay habang buhay pa tayo.

Bagong ruta ng Parade of Stars malalaman na

Last presscon ng MMFF mamaya kasabay na rin ang Christmas Party. Dadalo sa presscon ang representatives ng eight official entries to talk about their films kasama rin ang opisyal ng MMFF.

Dadalo rin ang representatives ng Muntinlupa City para sagutin ang kaugnay sa Parade of Stars na for the first time ay sa nasabing siyudad idaraos. Dito malalaman ang ruta ng parada.

Ipakikita na rin ang trophy para sa winners sa Awards Night na mas maganda raw kesa last year.

Baeby Baste in love kay Gabbi

Nagbago na ng crush si Baeby Baste. Si Gabbi Garcia na at hindi na si Bianca Umali ang crush ng bagets. Dati, very open ito sa pagsasabing si Bianca ang crush niya dahil “gwapa” raw (maganda) at hindi nga siya makatingin sa mga mata ng aktres.

Pero mula nang makasama si Gabbi sa shooting ng MMFF entry na Meant To Beh, ito na raw ang crush niya. Ayaw daw niyang magkaroon ng boyfriend si Gabbi at nagseselos yata. Bale ba, magkapatid ang role nina Baste at Gabbi sa pelikula.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with