^

PSN Showbiz

Erich maraming first time na pinagdaanan sa Siargao

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Masaya ang director-producer ng TEN17P na si Paul So­ria­no na ang kanyang bagong proyekto, ang Siargao na siya mismong nag-direct at nag-produce ay isa sa walong official entries ng 2017 Metro Manila Film Festival (MMFF), his first time na mapasama sa taunang Christmas filmfest. Ang Siargao ay tinatampukan nina Jericho Rosales, Erich Gonza­les, at Jasmine Curtis-Smith.

Bukod sa love story component ng Siargao, ang pelikula ay nagpapakita ng environmental awareness at makakatulong na lalong mai-promote ang turismo sa nasabing lugar.

Si Jericho ay gumaganap sa papel ni Diego, isang island lover at love interest ng brokenhearted video blogger na si Laura na ginagampanan naman ni Erich. Isa namang environmental activist ang papel ni Jasmine bilang si Abby.

Aminado si Erich na ito ang kanyang kauna-unahang project na ginawa after her much-talked about break-up with Brazilian-Japanese model-actor na si Daniel Matsunaga.

Isang buwan umano silang namalagi sa Siargao Island for the shoot at nag-enjoy silang lahat laluna na si Jericho na isang professional surfer. Since wala pang experience si Erich sa pagsu-surf ay sumailalim ito ng crash course in surfing at madali naman itong natuto. Marami rin ang ginulat at pinahanga ni Erich sa pagsusuot nito ng two-piece bikini na first time niyang ginawa. Bukod sa surfing, natuto rin si Erich sa cliff jumping at sumakay sa motorsiklo na first time din niyang ginawa.

“Risky but I’m glad na nagawa ko ang ipinagawa sa akin ni Direk Paul sa tulong na rin ni Echo,” pahayag ni Erich.

Masaya rin si Erich na siya’y balik MMFF after four years dahil taong 2013 pa ang kanyang huling MMFF movie, ang Shake, Rattle & Roll XV ng Regal Films. 

Samantala, si Paul Soriano ang siya ring nag-direct at nag-produce ng critically-acclaimed movie na Kid Kulafu, ang biopic ng boxing hero na si Sen. Manny Pacquiao na ipinalabas sa iba’t ibang international festivals sa Guam-USA, London, Tokyo, Japan at Los Angeles and Hawaii-USA.

Daniel at model na GF may pre nup video na

Pinangatawanan ng Brazilian-Japanese mo­del-actor na si Daniel Matsunaga na hindi problema sa kanila ng kanyang Polish model girlfriend na si Karolina Pisarek ang long-distance relationship dahil kamailan lamang ay bumalik sa bansa ang bagong kasintahan ni Daniel at sila’y masayang nagbakasyon sa Coron Island in Palawan.

Naka-post sa parehong Instagram accounts ng dalawa ang isang video clip mula sa recent trip nila sa Coron na napakaganda ng pagkakagawa at aakalain mong prenup video. Nasa caption pa ng post ni Daniel ang lyrics ng kantang I Love You So Bad ng bandang Lany.

In love na in love na talaga ang model-actor at masayang-masaya ang netizens sa nangyayari sa kanyang lovelife. 

Si Daniel ay isa sa mga tampok sa MMFF movie na Meant to Beh na pina­ngungunahan nina Vic Sotto at Dawn Zulueta kung saan kasama rin sina Baeby Baste, JC Santos, Andrea Torres, JC Santos, Sue Ramirez, Gabbi Garcia, Ruru Madrid at iba pa mula sa direksyon ni Chris Martinez at magkakatulong na prinodyus ng OctoArts Films, M-Zet Productions, at APT Entertainment.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with