^

PSN Showbiz

Sexy actress malapad na ang katawan, John Lloyd todo alalay kay Ellen nang magpa-check up

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

Naispatan sa isang high end hospital ang mag-dyowang John Lloyd Cruz at Ellen Adarna nung isang araw. At base sa photos na ipinadala sa akin ng isang reader, preggy si Ellen.

Yup, ang lapad na ng katawan ng sexy actress sa nasabing photos at nag-wheelchair pa siya nang bumaba ng escalator base pa sa natanggap kong litrato.

Wala pang direct admission ang kampo nina John Lloyd and Ellen sa tunay na kondisyon ng sexy actress pero marami nang sightings na magkasama sila at visible ang baby bump ni Ellen.

Kasalukuyan pa ring on leave si John Lloyd simula nang magbiyahe sila sa Europe ng sinasabing girlfriend niya.

Naunang lumantad ang sweetness ng dalawa sa Cebu. Hanggang nagpaalam si John Lloyd sa ABS-CBN na magbabakasyon sila sa Europe pero umano’y hindi pinayagan ang actor kaya nag-file ito ng LOA (leave of absence).

Itinuloy nila ang bakasyon ng ilang linggo. Base sa kanilang social media accounts nagpakalunod sila sa kaligayahan habang isinabay ang pamamasyal.

Nang magbalik sila ng bansa ay nakita na naman silang magkasama hanggang sa Cebu na sinasabing namanhikan ang actor sa mga magulang ni Ellen.

At ito nga, nakita na silang magkasama at naririnig na ring nagkukuwento si Ellen na preggy siya.

Umamin na kaya sila publicly ngayong visible na ang tungkol sa pagbubuntis ni Ellen?

Maapektuhan kaya ang kani-kanilang career kung lalantad sila?

Direk Olive pinalitan si Malou Santos sa Star Cinema

Si Direk Olive Lamasan na pala ang Managing Director ng Star Cinema.

Siya ang nag-take over kay Ms. Malou Santos na nag-retire pero mananatiling consultant ng film arm ng ABS-CBN. Ito pa rin umano ang head ng Star Creatives ng Kapamilya Network.

Papal medal ni Aiai nawala sa kasal

Grabe, nawala sa kasal ni AiAi delas Alas-Sibayan ang kanyang Papal Medal. Nananawagan siya sa sinumang makakakita nito. Umalis pa-Japan ang bagong kasal na sina AiAi at Gerald Sibayan para sa kanilang honeymoon. “Sa aking mga followers baka sakaling yung sumunod na kasal nung DEC 12, ay may kamag anak kayo na nakakita nitong PAPAL MEDAL KO .. suot ko nung kasal nahulog sa church sure ako na dun nahulog kasi yung huling picture ko sa church wala na sya ... (CHRIST THE KING GREEN MEADOWS) baka may nakakita pls pakibalik lang po napa ka importante nito saken pls text +63 927 730 6499 .. look for marissa .. maraming salamat po.”  

 Puwede kayang palitan ang nasabing medal ng Vatican na siyang ipinagkaloob sa kanya?

Ipinagkaloob kay AiAi ang Pro Ecclesia et Pontifice (For the Church and Pope) me­dal mula sa Simbahang Katoliko sa pangu­nguna ni Pope Francis last November.

La La Land actress pinanood si Rachelle Ann

Pinanood ng Hollywood actress na si Emma Stone ang West End production ng critically acclaimed musical na pinagbibidahan ni Rachelle Ann Go na Hamilton sa Victoria Palace Theater sa London.

Nag-post si Rachelle ng selfie nila ng La La Land actress sa kanyang Instagram account.

“I adore her so much!!! Thank you for coming to see @hamiltonwestend #EmmaStone,” sabi ni Rachelle.                                           

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with