Kris inisnab ang pelikula ni Vice
Inamin ni Kris Aquino that she was offered a cameo role sa Metro Manila Film Festival (MMFF) movie nina Vice Ganda, Daniel Padilla, at Pia Wurtzbach, ang Gandarrapiddo: The Revenger Squad na idinirek ni Joyce Bernal for Star Cinema pero ito’y kanyang tinanggihan dahil kontrabida ang kanyang magiging role.
Kris doesn’t mind doing a cameo role for Vice Ganda’s movie provided hindi ito kontrabida dahil pinangangalagaan daw niya ang kanyang mga product endorsement.
Sinabi rin ni Kris na matagal-tagal na umanong hindi sila nagkikita ni Vice dahil pareho silang busy pero nagpapalitan naman daw sila ng text paminsan-minsan at nagkakakumustahan sa pamamagitan ng kanilang common friends.
Kahit walang TV show na pinagkakaabalahan si Kris ngayon, hindi naman siya nawawalan ng mga product endorsement and she’s set to do two movies next year, isa sa iFlix at ‘yung isa naman ay nakatakdang idirek ni Chris Martinez. Nabanggit din sa amin ni Boss Orly Ilacad ng OctoArts Films na may project umano siya for Kris next year.
Si Kris ay huling napanood sa 2015 MMFF movie na All You Need is Pag-ibig.
Pinagkakaabalahan din niya ang kanyang mga itinayong negosyo na kailangan niyang tutukan plus her being a hands on mom sa kanyang dalawang boys na sina Joshua at Bimby.
Aicelle buhay na buhay ang career
Mukhang tuluy-tuloy ang suwerte sa Kapuso singer-actress na si Aicelle Santos dahil sisimulan niya ang taong 2018 ng isang musical play, ang Himala: Isang Musikal na mapapanood sa buwan ng Pebrero.
Si Aicelle ay unang napanood sa musical na Rak of Aegis at Maynila: Sa Kuko ng Liwanag.
At kasama rin siya sa pelikulang Ang Larawan na kasali sa gaganaping Metro Manila Film Festival.
Romnick at Harlene pasimuno sa reunion ng That’s Entertainment
Tiyak na masaya sa kanyang kinaroroonan ang star builder at Master Showman na si German “Kuya Germs” Moreno sa ginawang reunion party ng ilang miyembro ng That’s Entertainment, na binuo at pinamahalaan niya noon.
Ang mag-asawang Romnick Sarmenta at Harlene Bautista ang namuno sa pagbuo ng kanilang reunion na nagsilbi na ring Christmas party na ginanap sa Salu Restaurant na pag-aari nila.
Hindi man kumpleto ang mga dumalo, naging masaya ito laluna’t nandun si Piolo Pascual. Bukod kay Piolo, naroon din sina Ruffa Gutierrez, Patricia Javier, Jean Garcia, Jigo Garcia, Vina Morales, Glydel Mercado, Ramon Christopher, Jennifer Mendoza, Jennifer Sevilla, Chuckie Dreyfus, Ana Roces, Angelica Jones, Keempee de Leon, Tina Paner, Smokey Manaloto, Ara Mina, Karla Estrada, DJ Durano, Marilyn Villamayor at iba pa.
Dumalo rin ang kaisa-isang anak ni Kuya Germs na si Federico Moreno to represent his late dad.
- Latest