^

PSN Showbiz

Daniel may wish sa lovelife ni Erich

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Mag-work kaya ang long distance love affair ng Brazilian-Japanese mo­del-turned actor na si Daniel Matsunaga (29) sa kanyang 20-year-old Polish model girlfriend na si Karolina Pisarek?

Dahil sa social media at modern technology, araw-araw ay nagkakausap ang magkasintahang Daniel at Karolina kahit nasa magkalayo silang lugar.

Hindi pa sigurado kung magkakasama ang dalawa ngayong Pasko at Bagong Taon dahil sa kanilang respective schedules.

Si Daniel ay busy sa promotion ng kanyang Metro Manila Film Festival (MMFF) movie na Meant to Beh na pinagbibidahan nina Vic Sotto at Dawn Zulueta kasama sina Baeby Baste, JC Santos, Andrea Torres, Gabbi Garcia, Ruru Madrid, at iba pa mula sa direksyon ni Chris Martinez.

Si Karolina naman ay busy sa pagmu-model hindi lamang sa Poland kundi maging sa ibang bansa.

“But when our schedule permits, tiyak na gagawa kami ng paraan na magkita either here o sa ibang bansa,” pahayag ng bagong inlovey na si Da­niel na naka-move on na sa break-up nila ng Kapamilya actress na si Erich Gonzales.

“I wish her the best,” pahayag ni Daniel sa kanyang ex-girlfriend.

Gabbi at Ruru excited

Tuwang-tuwa ang fans ng magka-loveteam na Gabbi Garcia at Ruru Madrid dahil mapapanood nila ang dalawa sa Metro Manila Film Festival (MMFF) movie na Meant to Beh.

Although wala pang pag-amin na nagmumula sa dalawa tungkol sa real status ng kanilang relasyon, naniniwala ang kanilang followers na may espesyal na relasyon na ang dalawa kung pagbabasehan ang kanilang mga kilos.

First MMFF movie nina Gabbi at Ruru ang Meant to Beh kaya excited sila sa parada ng mga artista on December 23.

“It was fun working with Bossing (Vic Sotto) and the rest of the cast.  Masarap silang katrabaho and we enjoyed doing the movie at natitiyak namin na mag-i-enjoy kayo sa movie as much as we did,” pahayag ni Gabbi na puwedeng lumaban sa mga beauty contest.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with