^

PSN Showbiz

Coco sineryoso ang pagiging direktor at writer ng Panday!

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Coco sineryoso ang pagiging direktor at writer ng Panday!

Coco Martin

100 ang artistang nakasama

MANILA, Philippines — Ang ganda ng feedback ng Ang Panday ni Coco Martin.

Nagsanib-puwersa ang CCM Film Productions, Star Cinema, at Viva Films para sa isang pambihirang Pamaskong handog sa buong pamilya sa pagbabalik-pelikula ni Coco sa Ang Panday – ang pinakamalaking action-adventure sa gaganaping Metro Manila Film Festival (MMFF) na mag-uumpisa sa Pasko.

Sa direksyon ni Coco, sa ilalim ng tunay niyang pangalan na Rodel Nacianceno, sa kanyang kauna-unahang pagdidirehe at sa orihinal na istoryang kanya ring nilikha kasama si Joel Mercado, ito ang kauna-unahang live-action film adaptation ng Ang Panday – ang pinakamamahal  na karakter na nilikha nina Carlo J. Caparas at Steve Gan na pinasikat naman ng yumaong Action King na si Fernando Poe, Jr. – mula noong 2011.

Para sa 2017 epic na pagbabalik ng iconic Pinoy hero na ito, gagampanan ni Coco Martin ang papel ni Flavio III – ang apo ng orihinal na Panday. Magbabagong bigla ang kanyang buhay nang kanyang madiskubre na ang kanyang angkan ay ang itinakdang tagapagligtas ng sangkatauhan sa kasamaan ng imortal na kalaban ni Panday na si Lizardo (Jake Cuenca) na nagbabalik mula sa kadiliman upang muling guluhin at pahirapan ang mundo. At dahil hindi alam ni Flavio III na tanging ang angkan niya lamang ang makakatalo kay Lizardo, kailangan niyang maglakbay sa iba’t ibang mundo upang makuha ang tiwala ng kapangyarihan ng espada. At gaya ng orihinal at pinakamamahal na bayani ng lahat, maraming makikilala si Flavio III na tutulong sa kanya bilang tunay na tagapagmana ng tinitingalang pangalan ng Ang Panday.

Hindi lang iconic na karakter sa Pinoy pop culture ang Panday ngunit isa rin sa pinakamamahal na Pinoy comic book heroes sapagkat kinakatawan nito ang ideals ng katotohanan, hustisya, at ang pagwawagi ng kabutihan sa kasamaan.

Anyway, dapat nating alalahanin na ito ang kauna-unahang full-length mainstream movie na idinirehe ni Coco.

Tila pinanday na nga ng panahon si Coco upang maging isang direktor. Nagsimula ang career ni Coco bilang isang aktor sa mga indie movies, most notably sa mga pelikula ni Brillante Mendoza, at nag-cross over siya sa mainstream. Nakatawid siya sa telebis­yon, kung saan nagsunud-sunod ang pagbibida niya sa mga top-rating primetime teleseryes ng ABS-CBN at pati na rin sa mga pelikula.

Maraming natutunan si Coco mula roon na ‘di puwedeng matawaran, mga karanasan mula sa mga mundo ng indie at komersyal na kanyang pinagsama   at siya niyang ginamit sa Ang Panday – na katuparan ng kanyang pangarap na magdirehe ng isang pelikula.

Ang aktibong involvement ni Coco bilang creative consultant sa FPJ’s Ang Probinsyano ay siya ring nagpanday sa kanyang kakayahan bilang isang storyteller.

Si Coco nga ang kumakatawan sa lahat ng magagandang bagay dito sa Ang Panday – at kitang-kita ito sa pagmamahal ng milyun-milyong mga Pilipino sa karakter ni Cardo sa long-running at top-rating primetime drama series ng ABS-CBN na ang FPJ’s Ang Probinsiyano.

Bilang si Flavio, muli na namang ipaglalaban ni Coco ang kabutihan habang ipinagtatanggol niya ang mga mahihirap at api sa mundo.

Tampok din sa Ang Panday sina Lito Lapid, Eddie Garcia, Michael de Mesa, Gloria Romero, Jaclyn Jose, Dimples Romana, Jeric Raval, Jaime Fabregas, Julio Diaz, Mariel de Leon, Awra Briguela, Dennis Padilla, Carmi Martin, Albert Martinez, Agot Isidro, Kylie Verzosa, McCoy de Leon, Elisse Joson, Jhong Hilario, at marami pang iba na umano’y umabot sa 100 na artista.

Ipapalabas ang Ang Panday sa mga sinehan sa buong bansa simula ngayong Disyembre 25 at inaasahan na magna-no. 1 ito sa takilya.

Graded B ng Cinema Evaluation Board (CEB) ang Ang Panday.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with