^

PSN Showbiz

Coco hindi pa maisingit ang lovelife! Tutok sa Panday

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Isang malaking karangalan para kay Coco Martin ang ma­ging pangunahing bida, direktor at prodyuser ng pelikulang Ang Panday. Ayon sa aktor ay matagal na niya itong pinapangarap gawin kaya masayang-masaya siyang natupad na ito. “Nasa indie pa ako, gustung-gusto ko na magdirek. Siguro naramdaman ko sa sarili ko na ito na ang tamang pagkakataon. Sina Tito Eddie (Garcia), matagal ko na silang katrabaho at kaibigan. Kumbaga habang nagsu-shoot din po ako, humingi ako sa kanila ng guidance,” nakangiting pahayag ni Coco.

Para sa aktor ay kakaibang klaseng Panday ang masasaksihan ng mga manonood ngayong Metro Manila Film Festival. “Inaral ko ‘yung storytelling, kung ano ba ang nauuso ngayon. Siyempre sinasabayan ko rin ang mga millennial. At the same time, mayroon pa ring touch ng old na Panday. Iniba ko siya, pinilit ko kasi siyang ibahin. Pinasok ko ‘yung both world na natutunan ko sa indie at saka sa mainstream,” pagbabahagi ni Coco.

Noong Biyernes ay pinasaya ng aktor ang mga kakabayan nating Pinoy sa Florence, Italy para sa ikasampung taong anibersaryo ng Kapamilya Fiesta World. “Gusto ko talaga every Christmas, nagpupunta ako sa ibang bansa para makapagpasalamat ako sa mga OFW. Kasi siyempre po, isa po sila sa mga sumusuporta sa Pro­bin­­syano at saka sa lahat ng mga pelikulang ginagawa ko,” giit ni Coco. 

Samantala, pagdating naman sa usaping pag-ibig ay hindi raw ito napagtutuunan ng panahon ng aktor sa ngayon. “Hindi ko na maisingit eh,” pagtatapos niya.

Maxene may lungkot na nararamdaman sa kasal

Nalalapit na ang pag-iisang dibdib nina Maxene Magalona at Rob Manan­quil. Palagi raw naaalala ni Maxene ang amang si Francis Magalona sa tuwing dumadalo siya ng kasal ng kamag-anak o kaibigan. Siguradong magiging emosyonal ang aktres sa mismong araw ng kanilang kasal ni Rob. “Ever since na nawala si Papa, tapos mag-a-attend ng wedding, ‘yung father-daughter dance, ‘di mo mapigilan na ma-miss mo si Papa. Pati ‘yung nakikita mong naglalakad down the aisle,” kwento ni Maxene. “Siyempre nakakalungkot but ganoon talaga. Sobrang mami-miss ko talaga ‘yon. That’s one of the things na talagang maaalala at maiisip on my wedding day. Sobrang close kasi talaga kami ni Papa,” dagdag ng dalaga.

Ayon pa kay Maxene ay patuloy pa rin ang pakikipag-usap niya sa namayapang aktor lalo na sa panahong dumaranas siya ng mga pagsubok. “Feeling ko kasi si Papa napakalakas niyang tao and idol siya ng lahat, pero ako pinaka-idol ko talaga siya,” pagtatapat ni Maxene.

Maging ang kasintahang modelo ay sobrang inidolo rin daw si Francis noong nabubuhay pa ang King of Rap. “Sobra niya inidolo si Papa. He’s also a musician. The way he respects my dad, ibang klase,” pagbabahagi ng aktres.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with