^

PSN Showbiz

Judy Ann may takot sa pelikula nila ni Angelica!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Magkahalong emosyon ang nararamdaman ngayon ni Judy Ann Santos dahil hindi alam ng aktres kung paano tatanggapin ng mga manonood ang pelikula nila ni Angelica Panganiban na Ang Dalawang Mrs. Reyes.

Ito ang kauna-unahang proyekto na ipalalabas ng Star Cinema sa susunod na taon. “Hindi ko alam kung ano ang magiging reaction ng mga tao pero confident ako na magiging maganda ang pelikula. Confident ako that it’s a very funny film. Ang gandang opening salvo nito para sa lahat na salubungin ang 2018 na masaya lang. Walang drama,” bungad ni Judy Ann.

Ngayon lamang muli nakagawa ang aktres ng comedy ang tema kaya malaking-malaki raw ang naitulong sa kanya ni Angelica rito. “Ito (Angelica) naman kasi limang taon na ito nagko-comedy. Mas ako pa nga ‘yung nakakapit sa kanya sa comedy. Kapit ako kay Angelica,” giit ni Juday.

Ayon pa sa Young Superstar ay malaki na rin ang ipinagbago ni Angelica bilang aktres. “Mas matured na siya nang bonggang-bongga kumpara no’ng paslit pa siya. Ibang-iba na ngayon ‘yung Angelica. Malaki ang ipinagbago niya. Maraming natutunan sa buhay,” dagdag pa ni Juday.

Samantala, hindi naman daw makapaniwala si Angelica na tatanggapin ni Judy Ann ang bagong pelikula na siya ang kasama. “Kasi parang feeling ko hindi ko deserve. Kasi Ms. Judy Ann Santos na iyan. Tinitingala ko iyan eh. Tapos ngayon kasama ko siya sa isang pelikula, iba ‘yung feeling. Nakaka-excite at nakakakaba no’ng mga unang araw pero mas nangibabaw naman ‘yung happiness talaga,” naka­ngiting pahayag ni Angelica.

Nash nag-aambisyong maging director

Bukod sa pagiging aktor ngayon sa teleseryeng The Good Son ay papasukin na rin ni Nash Aguas ang pagiging TV director.

Kumukuha ng kursong Film ngayon at gustung-gusto raw ng aktor na magtrabaho sa likod ng kamera. “Kasi po bata pa lang ako, nandito na ako sa industry na ito. In a way, kahit hindi ko napapansin, natututo ako. Sabi ko sa sarili ko, alangan namang lumihis pa ako ng landas? Dito na lang din ako sa field na ito. Magagamit ko pa lahat nang natututunan ko,” paliwanag ni Nash.

Isang mini-series sa iWanTV ang pinaghahandaang idirek ng binata sa susunod na taon. “Sitcom po siya, parang Friends and How I Met Your Mother. Concept po namin, confidential pa and working title pa lang pero dapat n’yo pong abangan,” pagbabahagi ni Nash.

Samantala, kamakailan ay nagbukas na ang Muramen na isang Japanese restaurant na pagmamay-ari ng aktor. Matatagpuan ito sa University Belt sa Recto, Manila.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with