^

PSN Showbiz

Pananahimik ni Alden sa paglayas ni Maine pinagtatakhan!

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Nakakabingi ang katahimikan ni Alden Richards dahil hindi ito nagbibigay ng komento sa naging open letter ng kanyang perennial screen partner addressed to their fans.

Hindi tuloy malaman ng iba kung ito ba’y nasaktan din sa ginawang pag-amin ni Maine na sila’y magkaibigan at magka-loveteam lamang ng aktor.

Pelikula ni Bossing pinagsamang Kapamilya at Kapuso

Pinaghalong Kapuso at Kapamilya ang bumubuo ng Metro Manila Film Festival (MMFF) movie na Meant To Beh na pinangungunahan ng tambalang Vic Sotto at Dawn Zulueta mula sa direksiyon ni Chris Martinez at joint production ng OctoArts Films, M-Zet Productions, and APT Entertainment.

Bukod kina Bossing at Dawn, tampok din sa family-oriented comedy film ang Kapuso stars na sina Andrea Torres, Baeby Baste at sina Gabbi Garcia at Ruru Madrid kasama ang Kapamilya stars na sina Daniel Matsunaga, JC Santos, at Sue Ramirez maging si Thou Reyes na talent ng Star Magic.

“’Yan ang maganda sa pelikula dahil puwedeng pagsama-samahin ang mga Kapuso at mga Kapamilya stars na malabong mangyari sa telebisyon,” ani Bossing Vic.

Si Bossing ang tinaguriang King of Metro Manila Film Festival dahil halos taun-taon except last year ay meron siyang entry sa taunang Christmas filmfest.

Lolo’t lola ni Mariel nag-iba ang tingin kay Robin!

Ang misis ni Robin Padilla na si Mariel Rodriguez ay lumaki sa kanyang maternal grandparents magmula nang magkahiwalay ang kanyang mga magulang kaya hindi puwedeng mawala ang kanyang pagiging Lola’s girl.

Inamin ng grandparents ni Mariel na nu’ng simula ay hindi umano sila boto na maging mister ng kanilang apo si Robin pero nagbago ang kanilang pagtingin nang ito’y humarap na sa kanila nang personal at makilala nang husto. Nakita nila kay Robin kung gaano nito kamahal ang kanilang apo.

Alam din ni Robin kung gaano kahalaga kay Mariel ang kanyang maternal grandparents at ayaw niyang ma-disappoint ang mga ito sa kanya.

Dalawang beses nagka-miscarriage si Mariel sa unang baby sana nila ni Robin. Sobrang na-depress si Mariel pero muli itong sumigla nang siya’y magbuntis nu’ng isang taon.

Pitong taon nang mag-asawa sina Robin at Mariel na lalong pinagtibay nang dumating ang anak nilang si Maria Isabelle.

Ang ikinatutuwa pa ni Robin sa kanyang misis ay ang pagiging malapit din nito sa kanyang mga anak sa una niyang asawang si Liezl Sicangco ganun din sa anak niya sa dating aktres na si Lea Orosa na si Camille Orosa na naka-base sa Amerika.

Nirerespeto naman ni Robin ang kanyang misis na hindi nagpa-convert sa pagiging isang Muslim tulad niya. Ang kanilang anak na si Maria Isabelle ay bininyagan bilang isang Katoliko tulad ni Mariel.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with