^

PSN Showbiz

Sa sobrang saya Angelica tumalon sa surf board

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Hindi pa raw handa na makipagrelasyon muli si Angelica Panganiban. Matatandaang si John Lloyd Cruz pa ang huling kasintahan ng aktres at nagtapos noong isang taon ang relasyon ng dalawa. 

“Kapag may nami-meet ako, talagang barkada ‘yung nagiging approach ko. Wala akong nakikitang sparks sa kahit na sino,” bu­ngad ni Angelica. 

Sa ngayon ay ini-enjoy ng aktres ang pagiging single lalo pa’t maraming taon din ang inaabot ng kanyang mga nagiging relasyon. “Kasi sobrang tagal kong in a relationship and ngayon ko lang siguro nai-enjoy talaga na maging mag-isa,” giit ng dalaga. 

Maraming mga bagay ang nagagawa ngayon ni Angelica bilang single na nakapagpapasaya sa sarili. “Umakyat ako ng bundok, nakita ko ang Mount Everest. Nakanood ako ng mga concerts ng gusto kong artists, napanood ko si Adele and Coldplay. Parang sobrang happy na ako. Ang dami-dami kong nagawa within a year,” pagbabahagi ng aktres. 

Kamakailan ay nagpunta sa Siargao si Angelica upang magbakasyon. Sobrang saya raw ng dalaga sa nasabing lugar kaya talagang nag-post siya ng mga larawan tungkol sa kanyang nararamdaman sa Instagram. “Probinsyang-probinsya pa ‘yung feel niya. Magmo-motorbike ka lang kung saan ka pupunta, nakapaa ka lang kung saan ka magpupunta. Sa sobrang saya ko talagang tumalon ako ng surf board. Tapos biglang nag-sink in na sa akin ang ginawa ko the whole year. Tapos napa-text talaga ako sa ibang friends ko and ang sabi ko, ‘Grabe ‘yung nangyari sa akin this year,’” nakangiting kuwento ng aktres.

Luis tanggap na pinalitan ni Toni

Kumpirmadong si Toni Gonzaga na ang makakasama ni Billy Crawford bilang host sa pinakabagong season ng Pilipinas Got Talent na mapapanood sa susunod na taon. 

Si Luis Manzano ang pinalitan ng aktres sa nasabing programa pero wala naman daw itong naging problema sa aktor. “Toni is Toni. It’s an update, the way I see it. More than anything, it’s the family. Five seasons kaming nagsama (sa PGT), hindi biro ang pinagdaanan namin ng seasons one to five,nakangiting pahayag ni Luis. 

Samantala, naging emosyonal ang aktor sa kasal ng kaibigang Anne Curtis at Erwan Heussaff kamakailan. Kumalat sa social media ang larawan ni Luis na umiiyak habang yakap ang kasintahang si Jessy Mendiola sa mismong araw ng kasal ng bagong mag-asawa. “For Anne who is my best friend, alam ko na she’s in great hands. Ang sarap ng feeling bilang male best friend na kampante ako na mamahalin siya nang sobra-sobra nitong mapapakasalan niya,” paliwanag ni Luis.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with