^

PSN Showbiz

Kasal nakaumang na Luis pinangakuan ng magandang lahi si Jessy

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

May bulung-bulungan na nagpaplano na diumanong pakasalan ni Luis Man­zano ang kasintahang si Jessy Mendiola. Ano kaya ang planong wedding proposal ng aktor kay Jessy? “To be honest, I promise you a lot of things if we were going to take that plunge that we were already talking about. And to some degree, we’re already planning. But to be honest ang pangako ko sa ‘yo, magandang lahi. ‘Yon ang promise ko sa ‘yo. Do’n pa lang, wala ka nang problema. Ako na ang bahala do’n kid,” pabirong mensahe ni Luis kay Jessy sa aming prog­ramang Tonight With Boy Abunda.

“Do’n sa mga naiisip ko, I want to wait for the right time. I don’t want to preempt of course,” seryosong dagdag ng aktor.

Samantala, magkasamang dumalo ang magkasintahan sa kasal nina Anne Curtis at Erwan Heussaff kamakailan sa New Zealand. May ilang netizens ang kumuwestiyon kay Jessy sa social media kung bakit sumama pa kay Luis na kilalang matalik na kaibigan ni Anne. “To be honest, I was really invited. Siyempre because of Luis also because he’s the best friend of Anne. And ako naman, why would I go to a wedding na hindi ako invited. ‘Yung sinagot ko sa netizen na ‘yon, ayokong maging negative ‘yung pagpunta namin do’n o lagyan pa ng issue. Kasal na nga siya, celebration of love, of Anne and Erwan,” paliwanag ni Jessy.

Ikinalungkot naman daw ni Luis ang ginagawang pamba-bash online sa kasintahan. “Initially it makes me feel bad. Pero ito lang ‘yan, ang taong naghahanap ng mali makakahanap at makakahanap ng mali. To be honest, sa lahat ng ‘yan, hanggang internet lang kayo,” pagtatapos ni Luis.

Marlo ‘di pa kilala ang makaka-loveteam

Noong Lunes at nagsimula na ang Kapamilya Gold block ng ABS-CBN ang teleseryeng Hanggang Saan na pinagbibidahan ng mag-inang Sylvia Sanchez at Arjo Atayde. Kasama rin sa nasabing proyekto si Marlo Mortel na nakatrabaho na rin ni Sylvia noon sa Be Careful With My Heart.

Masayang-masaya raw si Marlo dahil muli niyang nakatrabaho ang beteranang aktres. “Super bait po niya, super professional at talagang gusto niya everybody sa cast parang pamilya. Nagbibigay siya ng advice. So I am really happy na makatrabaho ko siya. I am looking up to her,” bungad ni Marlo.

Regular na napapanood bilang segment host ang aktor sa Umagang Kay Ganda kaya nagpapasalamat din siya sa muli niyang pagbabalik sa pag-arte. “Super happy kasi ito talaga ‘yung comeback ko sa pag-arte dahil ang tagal kong nabakante when it comes to acting, although may iba akong work, talagang na-miss ko siya. So sakto this year hiniling ko talaga na makabalik na sa acting. I’m really thankful sa tiwala na binigay nila,” pagbabahagi ni Marlo.

Sino kaya ang bagong makakatambal ng binata sa bagong serye? “I don’t know yet kasi hindi pa naman natin malalaman kung paano magpo-progress ang show. Sa Be Careful With My Heart nag-start ako as talent. Wala naman talaga and then ang na­ging ending, naging kami ni Janella (Salvador) ang magka-love team. So di ko pa alam kung meron o wala,” sagot ni Marlo.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with