PSN Home Skinning Left , pagematch: 1, sectionmatch:
PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Birthday libu-libo ang likes!

As of Friday afternoon, may 83,911 likes na ang photo na kuha ni Marian Rivera at ipinost ni Dingdong Dantes sa kanyang Instagram account. Karga ni Dingdong si Zia at may birthday message sa anak na nag-second birthday noong November 23.

“As a father, there is no gua­rantee of until when I could hold her still like this-as if everything ahead depends solely on my shoulders. It is such a noble feeling. The past two years with her have been the best years of my life and I can’t wait to see how she’ll blossom into that fine woman she’s meant to become. For now, we, her parents, are happily preparing her for that jungle out there-it will only be a matter of time. Tomorrow marks a new chapter in her hyper-toddler life and there is no time to waste. So, back to completing those puzzles, reading books, and singing her favorite Moana theme song How far I’ll go? But wait, not yet. Not too fast, our #MariaLetizia.”

Kris mamimigay ng 12 Christmas gifts 

May pakulo si Kris Aquino sa kanyang social media account dahil sa 12 Days of Christmas gifts niya sa kanyang followers. Isinabay ni Kris sa Thanksgiving Day ang launching ng kanyang gift giving na tinawag niyang #Christmaslovelovelove. Magsisimula naman ang pamimigay niya ng Christmas gifts pagbalik niya at kanyang KCAP trip from Singapore next week.

Ginawa ito ni Kris dahil sabi nga nito, “Please accept my sincerest gratitude-because of your online support my startup company has grown, we have a lot of branded partnerships & many more in the pipeline, and these opportunities happened because you OPENED the digital door for me.”

Alden enjoy sa mga bira ng bashers

May mga nagpayo kay Alden Richards na i-off ang comment box sa Instagram account niya dahil ang dumi na sa rami ng bashing. Nagiging “battle zone” pa ng fans at haters niya ang kanyang IG.

Pero hindi ini-off ni Alden ang comments section kahit sobra na ang paninira sa kanya lalo na nang gawin niya ang Kuwentong Marawi sa Mata ng Isang Sundalo episode sa Magpakailanman na mapapanood this Saturday.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Nabanggit ni Alden sa isang interview na nababasa niya lahat ng pamba-bash sa kanya at sa kanyang pamilya.

Ang nakikita naming rason kung bakit binabasa ni Alden ang pamba-bash ay dahil ginagamit niya itong motivation na mas gali­ngan pa ang trabaho niya.

Nababasa ni Alden na may grupo ng fans na ibo-boycott ang Magpakailanman dahil hindi nagustuhan na may love interest siya. Walang magagawa si Alden at hindi sila mapipilit kung ayaw nilang manonood. Kukuha na lang si Alden ng suporta sa ibang fans.

Anyway, bukod sa paglabas sa isang episode sa Magpakailanman, may gagawin pang tulong si Alden sa mga sundalo sa Marawi.  

Bembol naungusan si Boyet sa pelikula

Ang huhusay ng cast na bumubuo sa TBA Studios movie na Smaller and Smaller Circles at pati nga si Carla Humphries na kasama sa cast ay overwhelmed. Imagine nga naman, magkakasama sina Bembol Rocco, Ricky Davao, Nonie Buencamino, Sid Lucero, TJ Trinidad, Alex Medina, Junjun Quintana, at Christopher de Leon.

Idagdag pa ang ganda ng material na adaptation ng best-selling novel ng Filipina author na si F.H. Batacan at kuning director ang award winning na si Raya Martin. Trailer pa lang, tinawag na itong “much-awaited crime movie of the year”. Pero sa December 6, pa showing ang pelikula na graded A ng CEB at R-13 naman ang rating ng MTRCB.

Sabi pala ni Bembol, first movie nila ni Boyet na subordinate niya ang aktor. Mas mataas ang ranggo ni Bembol kay Boyet bilang NBI Director Francisco Lastimosa. “It’s interesting,” sabi ni Bembol.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us:
PSN Home Skinning Right, pagematch: 1, sectionmatch: