^

PSN Showbiz

Christian lumabag sa kontrata, mas pinili ang serye sa Kapamilya!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon
Christian lumabag sa kontrata, mas pinili ang serye sa Kapamilya!

Christian Bables

Ang pahayag na “I felt betrayed” ang isa sa mga linyang nagmarka sa amin na sinabi ni director Jun Lana tungkol sa pag-atras ni Christian Bables na gawin ang 12-episode TV series na Born Beautiful.

Malalim ang pinanggalingan ng mala-dialogue sa pelikula ni direk Jun dahil lumabas na sila ni direk Perci Intalan na nasa likod ng IdeaFirst Company na kinuhang co-manager ni Christian ang huling nakaalam na hindi na nito gagawin ang Born Beautiful.

“Nasa birthday party ko sila ng kanyang manager at marami na pala ang nakakaalam sa desisyon nila o niya na hindi na gawin ang Born Beautiful. Inisip ko pa rin na one of these days, mag-uusap kami. Kaso nasundan ‘yun ng isa pang pangyayari. Nasa iisang lugar kami, pero sinabihan ‘yung kakilala ko na ‘wag sabihing nandoon sila ng kanyang manager. Doon sumama ang loob ko,” kuwento ni direk Jun.

Pero naka-move on na sina direk Jun at direk Perci at sabi pa nga ni direk Jun kung five years ago nangyari ito, nang-away na siya. Tinanggap nila ang desisyon ni Christian (naniniwala si direk Jun na desisyon pa rin ni Christian ang pag-atras sa Born Beautiful) na hindi na siya puwede at may iba silang priority.

“We have to look for another actor and pull out the teaser. We also decided to let him go as IdeaFirst talent. Dahil hindi na-honor ang contract namin sa isa’t isa, we decided to let him go para walang conflict.”

Nagpasabi raw si Christian na gagawin pa rin ang Born Beautiful pero ide-delay lang dahil uunahin ang serye sa ABS-CBN. Hindi puwede ang hiling nito dahil naka-set na ang lahat at ‘pag sinunod siya, apektado ang schedule ng marami.

Si Martin del Rosario ang napiling pumalit sa kanya bilang si Barbs sa Born Beautiful.

Nakatrabaho na ng mag-asawang direktor ang aktor sa Manananggal sa Unit 23B at nakitang magaling itong aktor at nanghinayang sila na hindi masyadong nagamit ang talent nito.

Kinausap nila ang manager ni Martin na si Arnold Vegafria na ang advise ay sumulat sa GMA 7 para ipagpaalam si Martin dahil ginagawa nito ang Hindi Ko Kayang Iwan Ka. Pinayagan ang aktor at nagti-taping na ito.

“Kabado at excited ako at may kaunting pressure kasi napanood ko ang Die Beautiful at magaling si Christian sa movie. Hindi ko inaasahan the role will be given to me. nakakatuwa at nakaka-proud maging part ng Born Beautiful. Gusto ko talagang makatrabaho si direk Jun,” sabi ni Martin.

Two hours din inaabot ang make-up ni Martin kasama na ang pagsi-shave at paglalagay ng mga padding. Nagpraktis na rin siyang maglakad ng naka-high heels at ang wig na ginamit ni Christian sa Die Beautiful ang gamit niya sa Born Beautiful.

Paolo may payo kay Christian

Showing na simula Wednesday ang Trip Ubusan: The Lolas vs. Zombies at sa November 29 naman ang Barbi, D’ Wonder Beki. Medyo lumuwag na ang schedule ni Paolo Ballesteros at ‘yung movie na lang sa Viva Films ang tatapusin.

Hindi nagkaproblema sa schedule nang ipaalam kay Paolo na may special participation siya sa Born Beautiful as Trisha, ang role niya sa Die Beautiful.

“Nagulat at nawindang ako nang malamang iba na ang gaganap na Barbs. Nalungkot dahil nakilala kami ni Christian (Bables) as Trisha and Barbs.

“Kinikilig din dahil si Martin na si Barbs. Malay n’yo lagyan ng love angle ni direk Jun sina Trisha at Barbs,” biro ni Paolo.

Payo ni Paolo kay Christian, kung saan siya masaya ‘yun ang gawin niya.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with