^

PSN Showbiz

Chris Tiu at Dylan Ababou mangunguna sa UAAP Greats!

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pangungunahan nina Chris Tiu at Dylan Ababou ang pagsasama ng mga dating UAAP superstars sa isang espesyal ng UAAP Magazine, ang Greatness Unlocked sa Facebook, kung saan pag-uusapan nila ang kanilang pana­hon bilang manlalaro sa premyadong ligang pang-kolehiyo sa bansa.

Abangan sa Greatness Unlocked video sina dating De La Salle University (DLSU) swingman James Mangahas, dating pambato ng University of the East (UE) na si Marcy Arellano, ang dating UAAP MVP mula University of Santo Tomas (UST) na si Dylan Ababou, dating University of the Philippines (UP) Maroon na si Martin Reyes, dating point guard ng National University (NU) na si Joseph Terso, at dating Far Eastern University (FEU) Tamaraw na si Paul Sanga, na magkukuwentuhan kasama sina dating King Eagle Chris Tiu at dating MVP na si Ababou tungkol sa kanilang panahon bilang manlalaro sa liga.

Ibabahagi din nina Chris, James, Marcy, Martin, Joseph, Dylan, at Paul kung paano nga ba nila nailabas ang galing bilang manlalaro noong kanilang pa­na­hon at kung ano ang tingin nila sa mga manlalaro sa liga ngayon.

Magsasalpukan ang ADMU Blue Eagles at FEU Tamaraws ngayong Linggo (Nobyembre 19) ng LIVE sa S+A, S+A HD, at livestream ng 3:30 pm. Bago nito, eere ang Upfront at the UAAP ng 3 pm.

Huwag palampasin ang UAAP Magazine special Greatness Unlocked at iba pang UAAP features sa Facebook (https://www.facebook.com/UaapMagazine/).

Betong, Maey, Boobay at Sheena naglakwatsa sa Singapore

First out of the country trip ng Road Trip ngayong Linggo at biyaheng Singa­pore ang programa. Lalo pang magiging espesyal at masaya ang lakad na ito dahil ang mga Kapusong komedyante na sina Betong Sumaya, Maey Bau­tista, Boobay, at Sheena Halili ang magiging travel buddies sa SG.

Patok nga raw na pang-barkada ang lakwatsang ito. Nag-nature tripping sila sa river safari at nasubukan din nilang makipag-swimming sa mga pating. Todo enjoy rin ang apat sa iba’t ibang thrilling rides at attractions gaya ng luge, sky ride, Southeast Asia’s Zip wire, at bungee vertical skywalk.

At may bonus pa dahil may amazing birthday surprise palang naka-ready para kay Betong.

Wag papalagpasin ang Road Trip at laugh trip nina Betong, Maey, Boobay at Sheena sa Singapore ngayong Linggo, 5pm, sa GMA-7.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with