^

PSN Showbiz

‘Di raw naalala kahit sa kasal unang manager ni Anne nagdaramdam!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Masaya si Ejay Falcon sa magandang pakikitungo sa kanya ng mga nakatrabaho sa labas ng ABS-CBN 2. Aminado siyang nasanay na siya sa Kapamilya stars kaya medyo naala­ngan siya nang makatrabaho ang Kapuso stars sa pelikulang Barbi, D’ Wonder Beki na magsu-showing na sa November 29.

“Sobrang thankful ako at sobrang blessed na makatrabaho sila kasi ang layo namin sa kanila. Kaya iba ang natutunan ko, ibang environment, ibang taong nakakausap mo.

“Tapos nandiyan pa si Sir Joey de Leon.

“Nung una, kinabahan talaga ako, pero sa first shooting day ko pa lang sa kanila, naramdaman ko na ang sarap pala nilang katrabaho.”

Sobrang gandang-ganda pa si Ejay kay Paolo Ballesteros kapag girl ang hitsura at puwede raw talaga siyang matanso.

PAK: Natutuwa ang mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera na napabilang sa mga inimbitahan sa Welcome Dinner para kina Cambodian Prime Minister Hun Sen at Myanmar State Counsellor Aung San Suu Kyi kasama ang kanilang mga delegado na ginanap sa Midori Hotel, sa Clark, Pampanga nu’ng isang gabi.

Sobrang traffic nga pero sinuong ito ng mag-asawa dahil kailangan nilang pagbigyan ang hiling ng Cambodian Prime Minister na makilala si Marian.

Pahayag ng GMA Primetime Queen, “Masaya ako at honored na maimbitahan sa mahalagang Welcome Dinner kay Prime Minister Hun Sen, lalo na’t nalaman kong tinatangkilik ang iba sa mga GMA shows ko sa bansang Cambodia.

“Si Dong ang kinontak para imbitahin kami at mabuti naman at wala ka­ming trabaho today, kaya kami naka-attend.”

Ang Representative ng 2nd district ng Pampanga na  si former president Gloria Macapagal-Arroyo ang nag-host ng naturang dinner na kung saan nag-perform si Aicelle Santos.

BOOM: Nagpiyesta ang netizens sa wedding coverage ng mga bisita nina Anne Curtis at Erwan Heussaff na nagpakasal na sa isang garden sa Thurby Domain, Southland, New Zealand.

Ang ganda ng view at nakikitang nag-enjoy nang husto ang mga guests na dumalo sa kanilang pag-iisang dibdib. Pero meron kaming nakausap na tila masama ang loob kay Anne dahil hindi man lang siya naalalang imbitahan sa kanyang pagpapakasal.

Si Annie Ayroso, ang naka-discover at ang ­unang manager ng Kapamilya actress/TV host. Nakita kasi naming imbitado roon ang isang manager niyang si Betchay Vidanes, kaya tinanong namin si Tita Annie kung pinadalhan ba ito ng imbitasyon.

“Siyempre, hindi na niya ako maalala niyan, mil­yonarya na siya. Baka nga puwede na niya akong bilhin,” tila pabirong sagot sa amin ni Tita Annie.

Noong nagsimula pa lang daw si Anne sa showbiz, 12 years old pa lang ito ay sa kanya ito tumira ng halos pitong buwan. Siya raw ang gumastos lahat para maayos ito at nag-present sa Neo Films para mapabilang sa first movie nitong Magic Kingdom.

Dagdag pa niyang pahayag, “Ang una nga niyang singsing, ako nagpagawa niyan. Pero siguro ngayon, napamigay na niya ‘yun.

“Ako nagdala sa kanya sa Neo Films na nag-produce ng first movie niya sa Magic Kingdom. Hanggang sa dinala ko na siya sa Viva. Mahigit one year din siya sa akin.

“Nang yumaman na, nakalimutan na ako kahit padalhan man lang ng isang bulaklak sa birthday ko.”

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with