PSN Home Skinning Left , pagematch: 1, sectionmatch:
PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Piolo ayaw tumigil sa paggawa ng pera!

PIK: Ngayon lang namin nalamang ang da­mi palang negosyo ni Pio­lo Pascual. Bukod sa movie production na Spring Films kung saan ka-partner niya sina direk Joyce Bernal at Erickson Raymundo, na­sa real estate rin siya na pina­pa­asikaso niya sa kanyang mga kapatid.

Nalaman namin sa launch ng bagong endorsement niyang Living Water na ginanap sa Crowne Plaza nung nakaraang Miyerkules na mayroon pala siyang apat na water refilling business pero sarado na ang dalawa.

Ngayong pumirma na siya ng kontrata bilang endorser ng Living Water, napagkasunduan na raw nila ng mga kapatid niya na isara na ‘yung dalawang refilling station nila at palitan ito ng Living Water.

 “Seeing the success of Living Water, I already told them that we’ll fold and we will change it to Living Water. Hopefully, we’ll get more franchise with them.”

Kasabay ng launching ni Piolo, ipinagdiriwang na rin ng Living Water ang kanilang 13th anniversary at bahagi nito ay in-announce ng mag-asawang Edward at Belle Prades na ngayong buwan ay ibibigay daw nila nang libre ang franchise fee sa mga gustong mag-negosyo nito.

PAK: Pinutakti ng papuri ang isang post ni Judy Ann Santos sa kanyang Instagram account na nagpapahinga sa inilatag na foam sa set.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Nagpahayag kasi siya ng simpleng buhay noong nagsisimula pa lang siyang mag-artista kung saan wala pa raw silang aircon tent na dressing room at nagtitiyaga lang sa isang sulok.

Ilan sa mga artistang nag-react at pinuri si Juday ay sina Iza Calzado, Bianca King, at Beth Ta­mayo. Pero may ilang fans ni Marian Rivera at bashers nito ang nag-away-away.

Tanong ng karamihan, ano’ng project ang gina­gawa ni Judy Ann? Wala namang balitang may gi­na­gawa siyang pelikula, at wala naman itong ser­yeng sinimulan.

Nasagap lang naming may malaking pelikula itong sinimulan pero iniiwasan muna niyang pag-usapan.

BOOM: Inilahad ng dating asawa ni Isabel Gra­nada na si Jericho Aguas na bago pa lang daw sila umalis patungong Qatar para puntahan ang singer/actress, sinabihan na pala silang malala na talaga ang kalagayan ni Isabel at mukhang wala nang pag-asang magising pa.

Kuwento ni Jericho nang makausap namin habang dinadala nila ang mga labi ni Isabel sa Santuario de San Jose mula Arlington ay nasaktan daw si Mommy Guapa nang kausapin na siya ng mga doktor sa Hamad Hospital.

Ayaw na raw niyang kausapin ang mga doktor dahil hindi niya matanggap ang paliwanag na wala na talagang pag-asa ang anak niya. Ang dami na raw nilang ginawa para magkamalay lang si Isabel, pero wala raw talang kaun­ting development sa kalagayan ng dating asawa.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us:
PSN Home Skinning Right, pagematch: 1, sectionmatch: