PSN Home Skinning Left , pagematch: 1, sectionmatch:
PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Rayver hindi minamadali si Janine

Dalawang bagay ang binigyang linaw ni Rayver Cruz nang mag-guest siya sa Tonight with Boy Abunda. Ang una ay kung totoo bang lilipat siya ng GMA na pinabulaanan niya at sinabi na maski siya ay hindi  alam kung saan nanggagaling ang balita. “Siguro dahil kay Janine (Gutierrez). O baka rin dahil kay Rodjun (Cruz, his bro), baka akala susundan ko siya,” paliwanag ng Kapamilya artist.

Ikalawang bagay na klinaro niya ay ang estado nila ng Kapuso actress na inamin na niyang nililigawan niya, pero hindi pa siya nito sinasagot. 

“Hindi ko siya minamadali. Pareho naman kaming may kanya-kanyang work. Ibibigay ko lahat ng kailangan niyang time. Feel ko kasi swak kami. Even her pa­rents ay mabait sa akin,” dagdag pa ng binata na sa mahabang panahon ng pagiging artista ay nakadalawang showbiz girlfriends na.

Mapapanood siya ngayong hapon sa isang natatanging pagganap sa Ipaglaban Mo.

Gab beauty queen ang ipinalit sa asawa

Nakakita na pala ng bagong pag-ibig si Gab Valenciano kay 2012 Miss Philippines Earth Stephany Stefanowitz. Ang dating beauty title holder, mo­del, at isang endorser ng New Placenta ay mabilis na nagpapalimot sa anak ni Mr. Pure Energy  Gary Valenciano sa hindi magandang karanasan niya sa kanyang  marriage.

Hindi pa alam kung saan mauuwi ang magandang pagtitinginan ng dalawa but all their friends hope na sa isang more lasting relationship.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Ebe pangarap si Gary V

Marami nang nagagawang kanta si Ebe Dancel, miyembro ng bandang  Sugarfree, para sa pelikula, tulad ng Kahapon, Ngayon, at Bukas at para sa isang stage play ng National Artist na si Nick Joaquin na ginawang pelikula, ang Ang Larawan. Pagsasamahan nila ni Rachel Alejandro ang pagkanta nito.

Mayroon din siyang ginawang kanta para kay Gloc 9 na makakabilang sa soundtrack ng Ang Panday. Siya rin ang lumikha ng Makita Kang Muli, theme song ng Ang Panday nang maging serye ito sa TV. Pero ang nagbigay marahil ng malawak na pagkilala sa magaling na singer/songwriter ay ang Wag Ka Nang Umiyak na ginagamit sa seryeng Ang Probinsyano at kinakanta ni Gary Valenciano. Ang maka-duet si Gary V at maka-collaborate man lamang si Gary Granada ang magsisilbing hangganan ng pangarap ni Ebe. Mayroon na silang duet ni Regine Velasquez.

 

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us:
PSN Home Skinning Right, pagematch: 1, sectionmatch: