PSN Home Skinning Left , pagematch: 1, sectionmatch:
PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Kahit may inspirasyong schoolmate, Inigo nagsalitang official thing na ang relasyon kay Maris

Nagkakamabutihan na umano nga­yon sina Inigo Pascual at Maris Racal. Ayon sa aktor ay wala ng ibang ini-entertain na manliligaw ang dalaga sa kasalukuyan.

“We are exclusiv ely talking to each other. I’m not talking anybody else. I asked her, she’s not talking to anybody else. We are like an official thing. But we definitely find each other very special to each other, very near to each other,” pagtatapat ni Inigo.

Para sa anak ni Piolo Pascual ay nagsisilbi ring inspirasyon sa kanya ngayon si Maris. Maayos na maayos ang takbo ng relasyon nina Inigo at Maris kahit hindi pa opisyal na magkasintahan.

“Mahirap i-rush ang things. I mean, in this gene­ration, ‘yun din ang napansin ko, stages ang relationship. Mayroon ng talking, seeing each other, mayroon na palang talking pero may kausap naman palang iba,” paliwanag ng aktor.

Samantala, kamakailan ay inamin ni Inigo na mayroon siyang inspirasyon mula sa eskwelahan na kanyang pinapasukan. Ano kaya ang reaksyon ni Maris tungkol dito? “Maris knows the girl naman but they don’t personally know each other. I guess it wasn’t just going in that direction, also with my type of career. How do I say it? It doesn’t allow us,” makahulugang pagtatapos ng binata.

Maymay apektado sa hiwalayang KissMarc

Ikinalungkot ni Maymay Entrata ang pagkakabuwag ng tambalan nina Kisses Delavin at Marco Gallo. Parehong malapit na kaibigan ni Maymay ang dalawa kaya talagang na­apektuhan siya nang nabalitaang wala na ang tambalan. “Nakakalungkot po na nagkahiwalay ‘yung love team nila pero ang masasabi ko, lahat naman po kami ay okay naman po,” bungad ni Maymay.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

“Basta sa akin, ang advice ko sa ka­nilang dalawa, kung saan sila masaya at kumportable at nando’n ‘yung peace, do’n sila,” dagdag pa ng dalaga.

Mahigit pa raw sa isang kaibigan ang turing ni Maymay kina Kisses at Marco dahil mahal na mahal niya ang dalawa. “Sobrang malapit na sila sa puso ko. Sa sobrang lapit ng puso ko sa kanila parang kapatid ko na sila,” giit ni Maymay.

Samantala, abala ngayon ang baguhang aktres at katambal na si Edward Barber sa exclusive show ng ABS-CBN Mobile na Squad Goals.

Kabilang din sa nasabing show sina Kisses at Marco na pareho ring kasabayan ni Maymay sa Pinoy Big Brother. “Masayang-masaya po kami kasi hindi lang ito pangkaraniwang proyekto. Masaya ako kasama ko ang mga kaibigan ko, mga kaibigan ko na sabay kong nag-grow dito sa showbiz at lalung-lalo na ‘yung mga tao sa paligid namin do’n sa show. Sila ‘yung unang nagbigay ng pag-asa para matupad ang mga pangarap namin. Masayang-masaya, sobra po,” nakangiting paha­yag ni Maymay.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us:
PSN Home Skinning Right, pagematch: 1, sectionmatch: