^

PSN Showbiz

May K na news anchor tinatakan sa pamemeke ng ulan!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Sa isang malaking umpukan ng mga news reporters ay bumida ang isang kilalang female news anchor at ang kanyang mga kakuwanan sa linya ng kanyang trabaho.

Kapag may pumuputok na balita, lalo na kapag malaking-malaking isyu, ay siguradong may kinatawan ang bawat network para mag-cover ng kaganapan. At palaging ang pamosong female news anchor ang ipinadadala ng kanilang network sa malalaking senaryo.

May hindi makakalimutang anekdota ang mga kasamahan ng female news anchor tungkol sa kanyang ginawa nu’ng minsang magbantay sila sa isang probinsiya dahil sa matinding pagkawasak ng lugar dahil sa matinding bagyo.

Kuwento ng isang source sa umpukan, “Okey ang mga nauna niyang report, naidetalye niya ang mga nangyari dahil in fairness, magaling siyang magsalita. Reporter naman kasi muna siya bago siya nag-anchor.

“Heto na. Pahupa na ang bagyo nu’n, malinis na ang paligid, hindi na umuulan, tuyung-tuyo na ang lupa. E, kailangan pa niyang umere para sa last report niya, kaya gumawa siya ng paraan para talagang kapani-paniwala ang report niya.

“Pinabuhusan niya ng tubig ang exact point kung saan niya gagawin ang report niya. Pinabasa niya talaga ang paligid, at ang the height, nagsuot pa siya ng kapote para maging mas believable ang pagre-report niya!

“Wala nang ulan nu’n, super-dry na ang lupa, pero pinalabas niyang maulan pa rin at may baha pa, kaya nakakapote pa rin siya. At nagpabuhos siya ng tubig bago siya sumalang, kaya nu’ng actual report niya, may tubig pang bumabagsak-bagsak sa suot niyang kapote!

“Nakakaloka, ‘di ba? Hindi siya nanonood ng report ng ibang network! Sa report ng lahat, e, tapos na ang bagyo, bumabalik na sa kanilang mga bahay ang mga evacuees, pero sa kanya, e, ongoing pa rin ang bagyo!

“Pabuhusan ba ng tubig ang lupa? Magpabuhos ba ng tubig bago siya nag-report? Nakakaloka ang babaeng ‘yun, sa kagustuhan niyang kabugin ang mga kapwa niya reporters, e, nagmukha pa tuloy siyang syunga!

“Siya na lang ang mag-isang nag-report na maulan pa, ang mga kasamahan niyang reporters, e, nag-uuwian na! Hanggang ngayon, naaalala pa rin ‘yun ng mga kasabayan niyang reporters.

“Kaya kapag may bagyo, e, siya ang naiisip ng lahat, ano na naman kayang drama ang gagawin niya para kapani-paniwala kuno ang mga reports niya? May K siya, sa totoo lang, magaling siyang humawak ng report, pero wala naman sanang mga ganu’ng drama!

“Yes! Siya mismo ang gumawa nu’n, wala pa siyang impersonator nu’ng mga panahong ‘yun, sa totoo lang!” humahalakhak pang pagtatapos ng aming impormante.

Ubos!

Mga kaibigan ni Isabel umeepal daw

Hanggang sa pagpanaw ng mga personalidad ay hindi pa rin mawawala ang mga komentong hindi kagandahan sa social media. Naging biktima nu’n si Nadine Lustre na nang pumanaw ang nakababatang kapatid ay hindi nakaligtas sa mga negatibong komento ng mga taong walang respeto sa mga naulila at nagdadalamhati.

Inakusahan si Nadine na parang hindi raw naman naglukuksa, parang balewala lang daw ang pagkamatay ng kapatid nito, samantalang alam naman natin na sugat na walang paggaling ang mawalan ng mahal natin sa buhay.

Sa kaso naman ng pumanaw na aktres na si Isabel Granada ay inaakusahan ang kanyang mga kaibigang artistang iniinterbyu tungkol kay Isa. Ngayon na lang daw naglulutangan ang mga ito, ibig sabihi’y nakikisakay lang sila sa kuwento, kaya panay-panay ang pagharap nila sa mga camera ngayon.

Wala na sanang ganu’n, ibigay na lang sana natin kay Isabel Granada ang pagkakataong ito, huwag na sanang lagyan ng kulay ang mga taong nakasama nang matagal ni Isabel sa showbiz.

Sino ang interbyuhin, ang mga taong ni hindi naman nakasama-nakatrabaho ng namayapang aktres, ano ang maibabahagi ng mga taong ‘yun tungkol sa kanyang buhay-showbiz?

Nag-iisang anak si Isabel ni Mommy Guapa na hindi kailanman nagpabaya sa kanyang anak. Maraming nag-aalala kay Mommy Guapa ngayong pumanaw na ang kanyang unica hija.

Napakasakit ng pangyayaring ito dahil walang nag-akalang papanaw nang ganito kaaga ang singer-actress, ang edad na kuwarenta’y uno ay kasagsagan pa lang ng buhay ng isang babae, kasabihan nga na nagsisimula pa lang niyang matuklasan ang kagandahan ng mundo sa edad na kuwarenta.

Ang taos-puso po naming pakikiramay sa lahat ng mga iniwan ni Isabel Granada.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with