^

PSN Showbiz

Aktres na nakipagbalikan sa ex na kasamahan sa panghapong show noon, may dyowang tomboy!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Lagyan natin ng titulo ang kuwentong kinasa­sangkutan ng tatlong taong magkakasalo sa kaligayahan. Tatlo Magkasalo. Isang lalaki, isang babae at isang tibo, ‘yun ang triyanggulong kinapapalooban nila.

Kung tutuusin ay ikalawang yugto na ng kanilang dating pagmamahalan ang pinagsasaluhan ngayon ng babae at ng lalaki. Magkarelasyon na sila nu’ng mga bagets pa sila.

Kaso, nakapangasawa ang aktor ng iba, kasamahan din nila ito sa isang panghapong programa para sa mga kabataan. Nagkaroon sila ng mga anak at ang girl naman ay nangibang-bansa para hanapin ang kanyang kapalaran.

Nagkaanak din ang girl sa ibang bansa, pero hindi nagtagal ang relasyon nila ng Pinoy ring ama ng kanyang anak, kaya nagdesisyon siyang bumalik na lang dito.

Sa kanyang pagbabalik ay pareho na silang malaya ng kanyang boyfriend nu’ng mga bagets pa sila at sabi nga, first love never dies, kaya nagkaroon ng ikalawang yugto ang kanilang pagmamahalan.

Pero kuwento ng aming source, “Walang kaalam-alam ang guy na habang nasa ibang bansa ang girl, e, may karelasyon siyang tibo. Yes, tunggril ang matagal nang karelasyon ng girl pero hindi niya ‘yun inamin sa ex niyang aktor.

“Ang nakakaloka, e, sa iba pa nalaman ng guy na tatlo pala silang magkakasalo sa isang relasyon. Siya, ang girl, saka ang tibo na matindi ang kapit sa aktres.

“Walang nagawa ang kahit sino para paghiwalayin ang girl at ang tibo, walang pinakinggan ang girl, ‘yun daw kasi ang sumalo sa kalungkutan niya.

“Ewan kung ipagpapatuloy pa rin ng guy ang pakikipagrelasyon sa ex niya kung ganyan na tatlo naman pala silang magkakasalo. Nakakaloka ‘yun, ha? Karelasyon niya ang babae, pero may mahal din palang tibo ang girl, di ba?

“At mukhang malakas ang takot ng girl sa tibo. Palaging patago lang ang pagkikita nila ng guy dahil baka mabuking sila ng dyowa niyang tunggril! Mahirap ang sitwasyon ng aktres dahil kapag nalaman ng tibo na nagkabalikan pala sila ng aktor, e, baka magkaroon ng giyera mundial!

“Friends lang daw sila, sabi ng aktres sa tibo, na pinagdududahan na ngayon ng tunggril. Naku, magulo ang kuwentong ito! Tatlo ang magkakasalo sa isang relasyon, pero kung paano ‘yun kinakaya ng girl, e, siya lang ang nakakaalam.

“Meron na siyang tinapay, e, meron pa siyang hotdog, sinadya kaya niya ‘yun para pareho niyang ine-enjoy ang klase ng lovelife na meron siya?

“Walang duda, ang lalaki ang nakapagtanim ng tamis ng unang halik sa labi ng girl, siguradong alam na alam ‘yun ng tunggril!” napapailing na pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Bong pinagdarasal na makalaya bago mag-Pasko

Harinawang matupad ang dasal at hiling ng pamilya, mga kaibigan at tagasuporta ni Senador Bong Revilla na mabigyan siya ng karapatang makapagpiyansa bago duma­ting ang Pasko.

Matinding kaligayahan ‘yun para kay Mayor Lani Mercado at sa kanilang mga anak at apo, granted prayer nilang maituturing ang makasama ang aktor-pulitiko na nagdiriwang ng Pasko sa buhay na malaya.

‘Yun din ang dasal ng mga tagasuporta ni Senador Bong nu’ng kaarawan niya, pero natapos ang Setyembre at Oktubre ay nasa PNP Custodial Center pa rin siya, hindi nawawalan ng pag-asa ang mga nagmamahal sa kanya na baka ngayong Nobyembre hanggang sa susunod na buwan ay dinggin din ang kanilang mga dasal.

Hindi pa puwedeng lumabas sa telebisyon si Senador Jinggoy Estrada, pero nakapag-iikot na ang aktor-pulitiko sa iba-ibang lugar sa Pilipinas para magtalumpati, sana nga ay magkasama na sila isang araw sa mundong walang mga rehas at bantay.

Si Senador Bong na lang ang nasa Crame ngayon, ikinatutuwa niya ang mas maagang pansamantalang paglaya ng kanyang kaibigang karnal, pero mas makukumpleto ang kaligayahan ni Senador Bong kung magkikita na sila sa labas ni Senador Jinggoy.

Walang imposible sa mga panalangin. Isang araw ay masosorpresa na lang tayo dahil pinagbigyan na rin ang pagpipiyansa niya, makakasama na rin si Senador Bong ng kanyang pamilya, mga kaibigan at tagasuporta sa isang mundong makakikilos na siya nang malaya at walang bawal-bawal.

Harinawa.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with