^

PSN Showbiz

Singer hindi pa kayang makipag-ayos sa inang naglustay sa kanyang pinaghirapan!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Maraming nanghihinayang sa dapat sana’y pagkakasundo na ng isang kilalang female performer at ng kanyang ina. May mga nagsabing konting-konti na lang at ayos na sila pero naunsiyami ang kanilang mga kaibigan.

Hindi pa rin sila nagkausap, hindi sila nagkasundo, mabigat pa rin ang kalooban ng anak para sa kanyang ina. Kung anu-ano ang mga dahilan at maraming kuwento tungkol sa sama ng loob ng female performer sa kanyang nanay.

Sabi ng isang source, “Marami kasing naipundar ang girl na natunaw lahat. Bahay, sasakyan, pera sa bank, nu’ng hinahanap na ng anak ang lahat, walang maipakita ang mommy niya.

“Puro katwiran lang ang naririnig niya, kesyo hiniram daw ng isang pinsan niya ang sasakyan, kesyo may pinagkagastusan kuno ang mommy niya kaya kinuha ang iniipon niyang pera sa bank.

“Pero ang pinakamatindi, e, ‘yung bahay. Imagine, maraming panahon niyang pinagsakripisyuhan ang ipinagpagawa niya ng bahay pero wala na rin. Naibenta pala ng nanay niya!

“Natural, sino naman ang hindi masasaktan sa ganu’n? Halos magpakamatay na siya sa pagtatrabaho rito at sa iba-ibang bansa, pero sa wala lang pala mauuwi ang lahat ng mga pinaghirapan niya?” tanong-sagot ng aming impormante.

Marami na palang namagitan sa kanila, pero hindi pa handa ang anak na harapin ang kanyang ina, ni hindi nga niya ito hinaharap kapag nagpupunta sa kanyang tinitirhan ngayon.

Balik-kuwento ng aming source, “Nirerespeto niya ang mommy niya, hindi niya sinisiraan ang nanay niya, pero sa mga ibinibigay niyang sagot sa mga interview, e, malalaman mo na may something pa rin siya laban sa mommy niya.

“Matatagalan pa siguro bago sila magkasundo. Habang naaalala pa ng anak ang mga pinaghirapan niyang ipundar na nauwi sa wala, e, hindi pa siya handang makipag-usap sa nanay niya.

“Imagine, lahat ng mga kamag-anak niyang nakabangga rin niya nu’n, e, kasundo na niya ngayon, mommy na lang niya ang naiiwan na hindi! Matindi ang reason nu’n, ‘di ba?

“Ang female performer na ito, e, nagbagong-anyo na. Naglantad na siya ng tunay niyang gender, pero sa pananaw ng lahat, e, girl na girl pa rin siya. Sa totoo lang!” pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Mocha nasobrahan na ang pagiging pakialamera

Naghanap ng sakit ng katawan si Mocha Uson. Binulabog niya ang kuta ng langgam. Ngayon ay kaliwa’t kanang bira ang tinatanggap niya sa social media dahil sa pakikialam niya sa buhay ni Kris Aquino.

Wala mang show ngayon ang aktres-TV host ay nand’yan pa rin ang mga kababayan nating sumusuporta sa kanya. Programa lang nito ang wala, pero ang kanyang mga tagahanga ay nand’yan pa rin, ang mga ito ang umuupak ngayon kay Mocha Uson.

Bilang pribadong tao raw ay okey lang si Kris, sabi ni Mocha, pero kapag pumasok na ito sa mundo ng pulitika ay ibang usapan na. Hindi nga naman maganda sa panlasa ang sigaw ng sexy dancer na ngayo’y assistant secretary na ng PCOO.

Buong-ningning ding nagpakawala ng mga salita si Mocha na tama na raw ang mga palpak na serbisyong ibinigay ng ina at kapatid ni Kris, hanggang du’n na lang daw sana, kaya huwag nang papasok sa pulitika si Kris.

Puwedeng tangga­pin ng iba ang kanyang mga sinasabi kundi siya kilalang-kilalang tagatuligsa ng mga Dilawan. Galit na galit si ASEC Mocha sa grupo, sobrang suporta ang ibi­nibigay niya kay Pangulong Rodrigo Duterte, kaya ang panghihimasok niya sa buhay at kinabukasan ni Kris ay kinakitaan ng kulay ng mas nakararami na­ting kababayan.

Sa totoo lang, ke si Kris Aquino pa o kahit sino ang kanyang tinutukoy ay may karapatang kumandidato basta legal ang mga dokumento at mapatutunayang Filipino citizen, tatanggapin ‘yun ng COMELEC.

At walang nagbibigay ng karapatan kay Mocha na harangan ang kung anumang ambisyon ni Kris Aquino. Sino siya para husgahan ang aktres-TV host kung gugustuhin man nitong pumasok sa serbisyo-publiko?

May alam si Kris, lumaki ito sa pamilya ng mga pulitiko, kinagisnan na nito ang pampublikong buhay dahil sa kanyang ama, ina at kapatid na nabigyan ng pagkakataong maglingkod sa ating mga kababayan.

Pakialaman na lang kasi ang sariling buhay, huwag nang saklawan ang gustong ambisyunin ng kanyang kapwa, para walang mga isyu at problema.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with