PSN Home Skinning Left , pagematch: 1, sectionmatch:
PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Bukod sa dasal, Isabel pinangangakuan na ng tulong na pera!

Kahapon lamang natuloy ang pagpunta ni Mommy Gwapa sa Doha, Qatar. Si Mommy Gwapa ang nanay ni Isabel Granada na nagiging emosyonal kapag napag-uusapan ang kanyang anak na may sakit at nakaratay sa Surgical ICU ng Hamad General Hospital sa Doha.

Kasama ni Mommy Gwapa sa Qatar ang kanyang apo na si Hubert Aguas, ang nag-iisang anak ni Isabel sa estranged husband nitong si Geryk Aguas na karelasyon ngayon ng former Viva Hot Babes member na si Jaycee Parker.

Mahal na mahal ni Mommy Gwapa si Isabel. Saksi ang buong showbiz sa pag-aalaga ni Mommy Gwapa kay Isabel mula noong child actress pa lamang ito hanggang magdalaga.

Natural na maging emosyonal si Mommy Gwapa sa nangyari sa kanyang unica hija. Matinding dasal pa para sa paggaling ni Isabel ang request ni Mommy Gwapa sa lahat ng mga nagmamalasakit sa anak niya.

Hindi lamang dasal ang natatanggap ni Isabel dahil may mga tao na nangako ng financial help.

Isa lang ang request ng tao na gustong tumulong kay Isabel sa abot ng kanyang makakaya, ang huwag nang banggitin pa ang pangalan niya.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Nagpapasalamat din ang partner ni Isabel na si Arnel Principe Cowley sa mga kababayan natin sa Doha na nagbibigay sa kanya ng moral support. Si Arnel ang kasama ni Isabel sa Doha at siya ang saksi nang biglang mag-collapse ang misis niya na dumaing na nahihilo bago nawalan ng malay.

Akting ni Maxine pinuri

Positive ang reviews sa performance ni Maxine Medina sa unang full-length movie niya, ang Spirit of the Glass 2: The Haunted.

Nagkaroon ng celebrity premiere ang Spirit of The Glass 2 sa SM Megamall Cinema noong Huwebes at ang sabi ng mga nanood, parang hindi baguhan si Maxine dahil sa acting na ipinakita niya.

Sa true lang, may background sa pag-arte si Maxine dahil may bit role siya noon sa Beauty in a Bottle, ang satirical movie ng Star Cinema noong 2014. Hindi pa beauty queen si Maxine nang umapir ito sa Beauty in a Bottle kaya hindi na siya matandaan ng mga nanood ng pelikula nina Assunta de Rossi at Angelica Panganiban.

Umapir sa celebrity premiere ng Spirit of the Glass 2 ang tatay at nanay ni Maxine. Nagulat ang mga usisero nang ma-sight nila ang madir ni Maxine dahil sa kanya nagmana ng kagandahan ang anak niya na beauty queen.

May mga komento na mas maganda pa raw si Maria Fe kesa kay Maxine na hindi shocking dahil kahit sa showbiz, mas magaganda at guwapo ang mga artistang lalaki at babae kesa sa kanilang mga anak.

Hindi ko na sasabihin ang pangalan ng mga celebrity na tinutukoy ko dahil ayokong ma-offend ang mga anak nila na nangangarap na sundan ang yapak sa showbiz ng kanilang mga magulang pero bigo at luhaan.

Daniel hindi puwedeng gumamit ng dubber

Boyfriend ng karakter ni Cristine Reyes ang role ni Daniel Matsunaga sa Spirit of the Glass 2: The Haunted.

Mahaba ang role ni Daniel na fluent na fluent na sa pagsasalita ng Tagalog kaya hindi ipina-dub sa mga professional dubber ang mga dialogue niya.

Pamilyar na ang mga Pinoy sa boses ni Daniel. Hindi ipina-dub sa iba ang mga linya niya sa pelikula dahil sure na  mahahalata ito ng moviegoers.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us:
PSN Home Skinning Right, pagematch: 1, sectionmatch: