^

PSN Showbiz

Regine nagdulot ng malalang traffic!

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

Kris kumambyo, hindi na raw atat bumalik sa TV! 

SEEN: Marami ang nayabangan kay Kris Aquino at nilait siya sa kanyang statement na “Hindi na ba ako magaling?” dahil hindi na inte­resado sa serbisyo niya ang mga television network. Ang subukan ni Kris na magpakumbaba ang payo sa kanya ng publiko.

SCENE: Walang naniniwala sa sinabi ni Kris Aquino na hindi siya eager na magbalik sa TV dahil kung hindi siya aligaga, hindi niya lalapitan at hihingan ng tulong si Willie Revillame.

SEEN: Si Kris Aquino ang bagong celebrity endorser ng isang telecommunications company. Ito ang ipinagmamalaki niya na may mga nagtitiwala pa rin sa kanya. Ilulunsad si Kris bilang brand ambassador sa linggong ito.

SCENE: Buhol-buhol at matindi ang traffic situation kagabi sa paligid ng Mall of Asia dahil sa R3.0, ang 30th anniversary concert ni Regine Velasquez.

SEEN: Maganda ang special effects at production design ng musical play na Chitty Chitty Bang Bang pero hindi ito na-appreciate ng young audience below 9-years old. Kahapon ang unang araw ng pagtatanghal ng Chitty Chitty Bang Bang sa Newport Performing Arts Theater ng Resorts World Manila. Lead actor ng musical play si Gian Magdangal.

SCENE: Sinasamantala ang kasikatan ni Empoy Marquez kaya out na sa mga bookstore ang kanyang libro na may pamagat na Bakit Nakakakiliti ang Bigote at mabibili ito sa halagang P175. Ang ABS CBN Publishing ang publisher ng libro ni Empoy.

SEEN: Hindi interesado si Santino Rosales na pumasok sa showbiz pero tumatanggap ng modeling assignments ang six footer lovechild ni Jericho Rosales.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with