^

PSN Showbiz

Myrtle nagka-career nang mag-cum laude!

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Biglang ang taas ng tingin at nabigyan ng mataas na pagpapahalaga si Myrtle Sarrosa nang mag-graduate ito sa University of the Philippines sa kursong BA Broadcasting.

Kung dati ay isa lamang siyang itinutu­ring na wannabe aktres at cosplayer, ngayon ay biglang taas na ang posisyon niya bilang ar­­tista. Katunayan nga­yong tanghali ay gagam­panan niya ang pina­ka­mabigat na role na ipi­nagkaloob sa kanya ng ABS-CBN sa progra­mang Ipaglaban Mo bilang isang babae na may diperensya sa utak at ni-rape ng isang buong bas­ketball team. Kailangang magpakitang gilas ng bagong graduate para mapantayan ng isang mahusay na performance ang kanyang mataas na academic record.

Pasalamat siya sa kanyang narating sa pag-aaral dahil nakuha niya ang pansin ng publiko.

Mayroong non-showbiz guy na umaasang masusungkit ang kanyang puso. Hindi totoo na may namamagitan sa kanila ng La Luna Sangre star na si Tony Labrusca. Naging magkaibigan lang sila ng Boyband PH survivor matapos magsama sa isang proyekto.

Janno sinundan na si Ogie!

Hindi man tuwirang sagutin ni Janno Gibbs ang tanong kung lumipat na rin ba siya sa ABS-CBN, tanggap at ikinatutuwa ng kanyang followers ang madalas na presence niya sa events ng Kapamilya na ang pinakahuli ay ang pagiging hurado niya sa Tawag ng Tanghalan sa It’s Showtime.

Maswerte nga siya kung totoong nakalipat dahil sayang naman ang panahon niya at talento kung hindi magbibigyan ng pagkakataong magka-show. Marunong naman siyang magpatawa at may magandang record sa pagkanta at paggawa ng kanta.

Unfortunately, walang musical program ang Kapuso na mapaggagamitan niya ng kanyang talento. Puwede rin siyang gumawa ng theme song at kantahin ito sa mga serye ng GMA, pero maski na dito ay tila mailap ang kapalaran sa kanya.

Sa Kapamilya Network ay maari nga naman siyang mag-compose ng mga kanta na maaaring magamit sa mga pelikula at teleserye nito. Marami rin ditong palabas na pwede niyang labasan bilang musikero at artista rin. Sana nga ay nakalipat na siya. Matutuwa ang fans niya na magkakasama silang muli ng Soul Brother niyang si Ogie Alcasid, ng ama niyang si Ronaldo Valdez at ng asawa niyang si Bing Loyzaga.

Maraming eskwelahan hindi maganda ang pamamalakad

Kailan ba makakakita ng magandang school ang mga apo ko? Umuwi kahapon sa pinapasukan niyang St. Mary’s School of Novaliches na nasa loob ng tinitirhan naming North Olympus Subd. na may pasa sa mukha dahil inginud­ngod daw ng ka­eskwela na kanyang nakaaway. May kasalanan man o wala ang apo ko ay hindi na mahalaga, ang punto ko lang ay nasaan ang mga titser na puwedeng mag-pacify sa mga bata, umawat sa gulo? Wala bang guard?

Nagalit nga ako sa anak ko na sumundo sa bata dahil hindi ito pu­mun­ta ng principal’s office para mag­reklamo. Obligasyon ng school na bukod sa maturuan ang mga mag-aaral ay mapauwi ng mapayapa at ligtas ang mga  bata. Ano’t nagkaroon ng gulo sa oras ng uwian? Hindi rin maganda na ‘yung duma­ting na titser na tinatawag na Titser Maan ay nagsalita pa ng ‘di maganda sa mga bata.

Bakit ganito ang mga school? ‘Yung isa sa dalawang school sa loob ng subd. ay unang nilayasan ng apo ko dahil magtatapos na ang school year nang dumating ang in-order nilang books. ‘Yung kilala at malaking school sa labas ng subd. ay hindi nagawang alagaan ng mabuti ang bunso kong apo nang magkaroon ng emergency. Hindi nito nagawang ipaalam ang problema sa magulang ng bata. Kung tutuusin ay hindi barya-barya lang ang ibinabayad ng mag-aaral sa mga nasabing eskwelahan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with