^

PSN Showbiz

Kris sa mga endorsement na lang rumaraket!

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Hanggang ngayon ay wala pa ring linaw kung kailan babalik sa telebisyon si Kris Aquino. 

Ang buong akala ng marami ay si Willie Revillame na ang magpu-produce ng bagong TV show ni Kris pero maging ito ay hindi pa rin klaro.

Kris is financially secured pero hindi nito ikinakaila na nami-miss niya ang kanyang nakasanayang trabaho, ang TV hosting at paggawa ng pelikula.

Kahit magdadalawang taon na siyang hindi napapanood sa telebis­yon, hindi pa rin siya nawawalan ng product endorsement, isang bagay na kanyang ipinagpapasalamat.

In the absence ng kanyang TV show, maganda naman ang takbo ng kanyang mga itinayong negosyo kung saan ngayon nakatuon ang kanyang attention at pagiging hands-on mom ng dalawa niyang anak na sina Joshua at Bimby. 

But with Kris’ talent laluna sa husay nito sa paghu-host, tiyak na bubulagain na lamang tayo nito isa sa mga araw na ito with her new TV show.

Ruffa hindi pa rin sumusuko sa ina at BF

Mahigit tatlong taon na rin ang relasyon ni Ruffa Gutierrez sa kanyang French-Israeli businessman boyfriend na si Jordan Mouyal pero hanggang ngayon ay hindi pa ito matanggap ng ina ni Ruffa na si Annabelle Rama to a point na ilang beses nang nag-away at nagdedmahan ang mag-ina.

Since mahal ni Ruffa ang kanyang nobyo, hindi niya ito isinasama sa mga affair ng kanilang pamilya na naroon ang kanyang mommy para hindi raw magkaroon ng problema.  Pero tiyak na magkikita sina Annabelle at Jordan sa `gender reveal’ party ng engaged couple na sina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati dahil imbitado ng dalawa si Jordan.

Ang tanong, lapitan kaya ni Jordan si Annabelle o tuluyang magdedmahan lamang ang dalawa?

Hanggang ngayon ay patuloy pa ring umaasa si Ruffa na matatanggap ng kanyang mommy ang BF na malinis umano ang intention sa kanya.

Sampung taon nang divorced si Ruffa sa kanyang ex-husband na isang Turkish businessman, si Yilmaz Bektas. Ang estranged couple ay may dalawang teen-age daughters, sina Lorin at Venice Bektas na parehong nasa poder ni Ruffa.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with