^

PSN Showbiz

Liza pahinto-hinto sa training!

SHOWBIZ NEWS NOW NA - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Bukod sa isang bagong teleserye ay abala na rin ngayon si Liza Soberano sa paghahanda para sa pelikulang Darna. Sa susunod na taon parehong mapapanood ang dalawang malaking proyekto.

“Right now we’re taping Bagani which will be showing early next year. I will be shooting for Darna soon. So far continuous ‘yung pagdyi-gym ko. Kaya lang medyo nahinto because I’ve been taping Bagani again. But as soon that’s finished, I will go back to the gym again and we are going to start stunt training and different trainings,” nakangiting pahayag ni Liza.

Ayon sa aktres ay hindi pa niya alam kung sino ang mga makakasama sa pinakaaabangang Darna. “I don’t have any idea who the rest of the cast yet. I only had one look test pa lang with the Darna team. So a lot of what has been talked about is not final,” giit ng dalaga.

Samantala, malaki ang pasasalamat ni Liza sa mga tagahangang patuloy na sumusuporta sa lahat ng kanyang mga ginagawa. “I’m really thankful to my fans. Nakuha ko ‘yung success ko because of them watching and supporting me through the years. They are the best fans in the world,” pagtatapos ng aktres.

Dennis bilib sa tapang ni Joshua

Tanggap na tanggap ni Dennis Padilla si Joshua Garcia bilang manliligaw sa anak nila ni Marjorie Barretto na si Julia Barretto. Para kay Dennis ay talagang mabuting tao raw si Joshua kahit noong unang araw pa lamang na ipinakilala ng aktres ang binata sa ama.

“Tinanong ko (si Julia) kung nanliligaw si Joshua. Sabi niya, ‘Itanong mo sa kanya.’ So sabi ko kay Joshua, ‘Alam mo kilala na kita kahit ngayon lang kita nakita nang personal kasi naririnig ko na.’ Mabuti namang bata at marespeto. ‘Wala namang problema ‘yan kung mahal mo ang anak ko at mahal ka ng anak ko, okay ‘yon. Ang importante lang sa akin ay huwag mo lang siyang sasaktan at huwag mo lang lolokohin.’ Kasi ako naman comedian ako eh pero kapag nangyari ‘yon magiging action star ako,” nakangiting pagdedetalye ni Dennis.

Napahanga raw ang aktor sa pagiging matapang ni Joshua dahil nagawa ng binata na harapin si Dennis. “Boto ako kay Joshua kasi ang isang tunay na lalaki ay kayang humarap sa magulang ng kanyang minamahal,” makahulugang pahayag ni Dennis.

Ang tanging hiling lamang ng komedyante ay makakilala ang mga anak ng  tunay na magmamahal sa mga ito. “Hindi naman kailangan na maging marangya ang manliligaw ng anak mo o guwapo. Mas okay pa ako sa hindi gwapo at hindi mayaman pero ang puso naman niya ay buong-buo ang pagmamahal sa anak mo, mas irerespeto ko pa ang mga gano’n,” paliwanag ni Dennis.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with