^

PSN Showbiz

Gerald nabitin kay Bea sa Spain!

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon
Gerald nabitin kay Bea sa Spain!

Ge­rald Anderson at Bea Alonzo

Sayang at loaded sa trabaho ang Kapamilya hunk na si Ge­rald Anderson kaya hindi ito nakapag-extend kahit man lamang ng isang araw sa Barcelona, Spain kung saan sila nagkaroon ng TFC show ng kanyang girlfriend na si Bea Alonzo with Piolo Pascual.

Sa Barcelona dumiretso si Bea from Paris, France kung saan sila ng kanyang perennial screen partner na si John Lloyd Cruz nag-attend ng same-sex marriage ng mga kilalang stylists na sina Rex Atienza at Jay Samaniego na ginanap sa garden courtyard ng Hotel Plaza Athenee last October 12.

Sobra ang hectic ng schedule ni Gerald dahil bago siya lumipad patungong Spain last Saturday evening ay nakuha pa nitong dumalo sa isang afternoon promotional show. Last Sunday ang TFC show sa Barcelona at kahapon ng gabi (Monday) ay bumalik na sila ng Pilipinas dahil bukas, Wednesday ay balik siya sa taping ng morning TV series nila ng kanyang ka-loveteam at ex-girlfriend na si Kim Chiu na Ikaw Lang Ang Iibigin.

Patrick magkaka-tatlong Maria na

Baby girl muli ang nakatakdang isilang ng wife ng actor na si Patrick Garcia na si Nikka Marti­nez-Garcia next month. Ito bale ang pangatlong anak na babae ng mag-asawa with Chelsea (4) at Patrice (1).

Si Nikka ay nagka-miscarriage early this year pero muli siyang nagbuntis a few months after.

Si Patrick ay may anak na lalaki, ang 7-year-old na si Alex Jazz sa singer-actress na si Jennylyn Mercado.

Maxine may tiwala sa hitsura ni Winwyn

Naniniwala ang 2016 Bb. Pilipinas-Universe-turned actress na si Maxine Medina na malaki ang laban ni Winwyn Marquez sa darating na 2017 Reina Hispanicoamericana pageant na gaganapin sa Santa Cruz, Bolivia sa November 4, 2017.

Tiyak umanong stand-out ang exotic beauty ni Winwyn na kakaiba sa mga kinatawan ng mga  Latin countries na siyang dominant sa nasabing pageant.

Since Spanish ang lenguahe ng mga hosts, kakailanganin talaga ni Winwyn ng interpreter kahit nag-crash course siya ng basic Spanish in preparation for the pageant.

Back to Maxine Medina, she is debuting bilang actress sa horror movie ng OctoArts Films, ang Spirit of the Glass 2: The Haunted na pinagsasamahan nila nina Cristine Reyes, Benjamin Alves, Daniel Matsunaga, Janine Gutierrez, Ash Ortega, Enrico Cuenca, Arron Villaflor at iba pa mula sa panulat at direksiyon ni Joey Javier Reyes.

Barbie at Ken susubukan sa big screen

Muli na namang nakabuo ang Kapuso Network ng bagong loveteam sa pagitan nina Barbie Forteza at Ken Chan na kanilang pinatunayan sa recently-concluded TV series na Meant to Be.

Dahil sa lakas ng bagong tambalan ngayon nina Barbie at Ken, sinugalan ang bagong team-up ng GMA Films at Regal Films sa kanilang first movie together sa pamamagitan ng This Time I’ll Be Sweeter na idinirek ng prem­yadong director na si Joel Lamangan na siya ring director ng Bes and the Beshies nina AiAi delas Alas, Zsa Zsa Padilla, Carmi Martin, at Beauty Gonzales ng Cineko Productions na magbubukas sa mga sinehan bukas.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with