^

PSN Showbiz

Gustong mag-ala-Angelina Jolie, Janine itinanggi si Rayver!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Gustong mag-ala-Angelina Jolie, Janine itinanggi si Rayver!

Janine Gutierrez

Itinanggi ni Janine Gutierrez na sila na ni Rayver Cruz.

Ayon sa actress, ayaw niyang masyadong pag-usapan at si Rayver na lang ang tanungin.

Basta chill, chill lang daw ang tungkol sa kanila.

‘Yan ay kahit na siya ang date ng actor sa ginanap na Star Magic Ball kung saan siya bumalik ng bansa from Bali, Indonesia para sa nasabing event at the following day ay bumalik siya ng Bali dahil nga doon siya nagpalipas ng birthday. Pero kasama naman niyang bumalik si Rayver.

“Chill, chill lang. Lumalabas at wala pang label! Mahirap kasing malagay ang focus mo sa relationship kesa sa career,” sabi ni  Janine kahapon sa pocket presscon na ipinatawag ng kanyang bagong management, ang LVD Artist Management (Leo Dominguez).

Kahapon ay ipinakita rin ni Janine ang trophy na napanalunan niya sa Urduja Heritage Film Awards kung saan nagwagi siyang Best Supporting Actress para sa pelikulang Dagsin. Sa nasabing pelikula rin siya nakatanggap ng Urian nomination.

Kung sabagay, saan pa ba naman siya magmamana bilang mga anak nina Lotlot de Leon and Ramon Christopher.

Andiyan ang lola Pilita Corrales at lolo Eddie Gutierrez (Ramon Christopher)niya. At siyempre ang lola Nora Aunor at lolo Christopher de Leon (Lotlot) niya.

Pero wala pang follow-up project for Janine after Legally Blind kung saan napansin ang acting niya.

Nauna na siyang nagbida sa Once Again and Dangwa sa GMA 7.

Pero ang dream project ng Kapuso actress ay mag-ala-Angelina Jolie. “‘Yung tipong mga Tomb Raider (Lara Croft),” sabi niya.

Katatapos lang niya recently ng pelikulang Spirit of the Glass 2: The Haunted na mapapanood starting November 1.

May ginagawa rin siyang digital series entitled Unbroken Hearts, produced by Atty. Joji Alonzo and Planet A Media.

At ito, certified recording artist na rin siya. She just recorded a song produced by RedOne, same producer ng mga bigating international singer na sina Lady Gaga and Jennifer Lopez.

Kaya nang mag-record daw siya sa America, kabadung-kabado siya.

Anyway, inaayos pa sa kasalukuyan ang bagong contract niya with GMA 7. Last month pa ito nag-expire.

Georgina Wilson-Burnand

Georgina hindi nahirapang magpa-sexy pagkapanganak

Parang hindi nanganak ang hitsura ng It girl na si Georgina Wilson-Burnand.

Pero tulad ng mga karaniwang mommy, dumaan siya sa matinding dilemma pagkapanganak - paano tatanggalin ang nadagdag na timbang habang nagbubuntis.

Isang super cute ang bagets na dinala sa sinapupunan ni Georgina ng siyam na buwan, na nang ipanganak niya ay pinangalanan nila ng asawa niyang si Arthur Burnand ng Archie.

Pero kasabay ng kaligayahan niya sa pagiging mommy kay Archie ay ang misyong bumalik sa dati ang kanyang pang-modelong katawan.

Kaya nang maramdaman niyang handa na siyang bumalik sa dating sarili, ang una niyang tinawagan, ang Belo Medical Group.

Ilang linggo lang pagkatapos niyang tawagan ang clinic ni Dra. Vicki Belo, naging mabilis ang pagpayat niya.

Binigyan siya ng sariling program na sinunod ni Georgina. Nag-work out, eating clean and going regularly to Belo clinic. Bingo. Ngayon, balik sa dating alindog ang model/TV host.

Kasama sa treatments na ginawa sa kanya ang V-Contour, Exilis and Thermage Body, na nakatulong para mabilis na bumalik sa dating korte ang kanyang katawan.

Ang V-Contour ay isang klase ng procedure na nag-aayos ng mga taba sa mukha at katawan.

Ang Exilis naman ay bagong machine na nagbabalik ng korte ng katawan at nagbabanat ng mga balat para sa mga lumawlaw na mga bahagi ng katawan. Tumutulong din ito para maging flat ang tummy, back, arms, legs, and knees.

Ang Thermage naman ang nag-iisang solusyon na treatment na hindi kinakailangang operahan para mas mabanat ang balat, facial contours na may kasamang collagen that employs a patented radiofrequency (RF) technology called ThermaCool System. It helps tighten loose skin and improve texture over time. 

Bagama’t ini-enjoy ni Georgina ang bawat minuto ng pagiging ina, meron naman siyang mga paalala sa mga ina riyan na gustong bumalik sa dati ang ganda at korte ng katawan. “I know that being a Mom is one of the greatest roles we will have to play in life, but we, women, must also value our body. Taking care of ourselves should also be our priority,” pahayag niya.

Tulad ni Georgina, puwede rin ninyong ma-achieve ang Body by Belo ni Georgina. Bisita lang kayo sa Belo Medical Clinic na Philippine’s first and only internationally accredited beauty clinic that can offer you specialized and customized treatments to help you achieve your ideal body shape and size. For inquiries, you may call 819-BELO or visit www.belomed.com.

Ellen Adarna at John Lloyd Cruz

John lloyd at Ellen parang honeymooners!

Parang honeymooners sina John Lloyd Cruz and Ellen Adarna na kasalukuyang nasa Morocco base sa mga social media post nila.

Meron pang post si Ellen na rice and adobo. ‘Yung rice raw ay luto ng actor habang siya ang nagluto ng adobo.

Pero true kaya na hinahabol ang actor ng iba niyang endorsements dahil lumabag siya sa pinirmahang kontrata? Karaniwang may morality clause ang endorsement ng mga artista lalo na kung may target market o pang-wholesome ang produktong kanilang binibenta.

Paano kaya ‘yun eh balitang matatagalan ang bakasyon ng actor sa ibang bansa?

Misteryo pa rin hanggang ngayon kung ano’ng meron si Ellen Adarna at ‘nabaliw’ ang actor sa kanya. Ano raw meron siya na wala sina Ciara Sotto, Angelica Panganiban, Ruffa Gutierrez, Shaina Magdayao at ngayon lang nagkaganun ang actor.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with