^

PSN Showbiz

‘But I wanna take a break’ ‘I don’t think i will ever retire’

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Maraming mga malalapit na kaibigan at mga kamag-anak ang nagtatanong sa inyong lingkod kung kailan ako magreretiro mula sa a­king mga ginagawa. Malaki ang aming pasasalamat sa pamunuan ng ABS-CBN at sa mga manonood dahil sa patuloy na pagtitiwala sa aming mga programang Tonight With Boy Abunda at The Bottomline. 

“Wala pa, pero may mga pagkakataon na gusto ko na. Sometimes I talk to myself, iniisip ko, ‘Kailan kaya ako makakapagbakasyon ng isang buwan na diretso? I can’t complain because I’m so blessed. ABS-CBN has treated me so well all these years but compare to the pagod to the blessings, ang layo. That’s why I’m eternally grateful for all the blessings. I don’t think I will ever retire, pero I wanna take a break. When? I don’t know. I will listen to the whisper.”

Luis man of honor ni Anne sa kasal

Naibahagi ni Luis Manzano sa Magandang Buhay kung gaano siya kasaya sa relasyon nila ni Jessy Mendiola.

Ayon sa aktor ay sobrang pag-aalaga raw ang ginagawa sa kanya ng dalaga. “Never pa akong naalagaan ng ganito. It sounds selfish na, kaya ako happy dahil may ginagawa siya para sa akin, hindi ‘yon gano’n. Parang inspirado ka to be more, parang ganoon. ‘Yung sa sobrang alagang ipinapakita niya sa iyo, you want to be a better man, a better person dahil sa ipinapakita niya sa akin,” makahulugang pahayag ni Luis.

Bukod sa planong pagpapakasal ay napag-uusapan na rin daw ng magkasintahan kung ano ang  ipapangalan sa magiging mga anak balang araw. “Pinangalanan na nga namin pero siyempre ayaw naming sabihin. Kumbaga kaswal kaming nag-uusap, ‘Siguro ang puti ni ganito,’ ayaw kong sabihin ‘yung names. ‘Yon ang napag-uusapan namin, may names na kami, naiisip na namin ‘yung future. It’s not simple pakilig lang na, ‘Uy! Tayo ang magkakatuluyan,’ hindi. We actually talked about it, kulang na lang ipanotaryo namin ang usapan namin,” pagbabahagi ni Luis.

Samantala, kasama ang aktor sa wedding entourage ng kaibigang si Anne Curtis. Ngayon ay pinaghahandaan na ng aktres at kasintahang si Erwan Heussaff ang kanilang pagpapakasal. “Nakaka-touch, she sent me a letter saying na, ‘May promise tayo sa isa’t isa and would you be my man of honor sa kasal?’ So kasama ako sa entourage ng kasal niya. ‘Yon ang promise namin sa isa’t isa na kailangan part ako noon. At the same time, kapag ikinasal na ako, she will be my best woman,” kuwento ni Luis.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with