^

PSN Showbiz

Luis nakuha na ang mana!

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Napakaswerte ni Luis Manzano dahil ipinagkaloob na sa kanya ng mom niya na si Cong. Vilma Santos ang maaga nitong pamana, ang bahay nito sa Green Meadows. Sa rami ng bahay ng pu­litiko-artista, ang Green Meadows ang talagang hiningi ni Luis sa kanya dahil sa acessibility nito. Ipi­na­re-renovate na niya ito at kung ititira niya rito si Jessy Mendiola kapag nakasal sila ay kailangan pa niyang kumpirmahin.

Ellen ipinaglaban ni John Lloyd

Kesa nga marahil gawin pang negatibo ang lumilinaw na relasyon nina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna, mas minarapat ng tagasubaybay ng magaling na aktor na tumahimik na lamang at tanggapin  at suportahan ng buo ang tambalan ng dalawa. Wala naman na silang choice, ipinaglalaban na ng dalawa, lalo na ng aktor, ang kanilang karapatan sa pag-ibig.

At maski na si JLC ay nagpakita na ng kanyang preference na mas mapasaya ang kanyang puso. Hindi ba pag-ibig ang tawag sa paghamak niya ng lahat masunod lamang ang kanyang puso?

Napakaswerte ni Ellen, matapos ang ilang kabiguan ng puso, nakatagpo rin siya ng lalaking ipinaglalaban siya.

Santo Padre Pio nag-aadya sa sakit!

Inabot kami ng aking isang anak at ng kanyang pamilya ng 14 na oras sa papunta’t paguwi ng Sto. Tomas, Batangas noong Sabado para lang makabisita kay Santo Padre Pio sa kanyang dambana.

Nagkataon namang feast day pala ng santo kaya ganun karami ang tao na dumayo sa kanyang shrine na kasalukuyan pang ginagawa, pero nagbabadya na ng kagandahan kapag natapos. Nakilala ko ang Italyanong santo dahil isang kaibigan ko sa media, si Ed de Leon na ilang ulit nang ipinag-aadya matapos itong maatake sa puso ng ilang ulit. Deboto ni Santo Padre Pio si Ed. Siya rin ang nagbigay sa akin ng life sized na istatwa ni Santo Padre Pio. Marami ang hanggang dalawa lamang na atake at bumibigay na, pero ang kaibigan ko has survived all his attacks kaya patuloy ang kanyang pananalig at serbisyo sa pa­ring santo na nakilala sa kanyang panggagamot noong nabubuhay pa ito.

Pagpo-propose ni Xian marami nang nanggaya

Abala ang lahat ng Kapamilya at maging ng ilang hindi sa paghahanda para sa nalalapit na Star Magic Ball. Pinaka-excited at aligaga ang mga kabataang artista ng network at alaga ng Star Magic na isip mo ay nagyayaya na ng kasal sa kanilang gustong maka-date sa nasabing event dahil sa bongga ng ginagawa nilang pang-iimbita sa kanilang gustong makapareha.

Si Xian Lim ang nagpauso ng ganito ka-bonggang date proposal, pero nakapagtatakang hanggang ngayon ay wala pang imbitasyon na tinatanggap si Kim Chiu mula sa kanya. Naunahan pa siya ni Joshua Garcia na inimbita na si Julia Barretto, Elmo Magalona na napapayag na kay Janella Salvador, at ni Inigo Pascual kay Maris Racal.

Sa nasabing SMB nakikita ang tunay na relasyon ng maraming Kapamil­ya artists. Marami sa mga darating na magkapareha ay paniniwalaang may relas­yon o kung hindi man ay nagliligawan na. Pero may nga walang date rin sa SMB, tulad nina Piolo Pascual at Robi Domingo.

Atom inaabangan na sa i-Witness

Mas lalakas pa ang i-Witness with the addition of Atom Araullo. Ang documentary show na ito nina Howie Severino, Sandra Aguinaldo, Kara David, at Jay Taruc at sinimulan ni Cheche Lazaro, ang isa na marahil sa pinakamagandang documentary programs ng bansa.

Ngayon pa lamang ay pinakakaabangan na ang first report ng dating Kapamilya tungkol sa Philippine Seas.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with