^

PSN Showbiz

Aktres mas pinili ang social media para makaiwas sa intriga!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa

Dahil hindi nakapag-promote sa shows ng kanyang network para sa pinagbibidahang teleserye for some reasons, sa IG story bumabawi ang isang aktres. Masipag ang aktres mag-post ng IG story tungkol sa show niya lalo na kung malapit na ang airing at effective ang ginagawa niya dahil na­da­dagdagan ang interes ng viewers na subaybayan ang kan­yang show.

Hindi na sinabi ng aktres kung bakit hindi siya nag-guest sa particular show, pero alam ng mga taga-showbiz ang rason. Ang dinig namin, sinabihan ang aktres na naka-schedule siyang mag-guest, pero ito na ang umayaw.

Maganda ang desisyon ng aktres na hindi na mag-guest da­hil pareho silang nakaiwas sa intriga ng isa sa mga host ng show. Hindi nga naman natin alam kung ano ang mangyayari kapag umapir siya sa show.

Saka, okay naman sa netizens na sa IG story at mall show siya nagpu-promote.

Kris may konek sa Martial Law ang pag-follow kay Alden 

Tanong ng nakabasa sa pangalan nina Alden Richards at director Adolf Alix, Jr., may kinalaman kaya ang Martial Law Special na Alaala na tinampukan ng aktor at idinerehe ni Adolf sa rason kung bakit kasama sila sa 10 na pina-follow na lang ni Kris Aquino sa Instagram (IG) after niyang i-unfollow lahat ang followers niya?

Kabilang pa sa pina-follow ni Kris sina Zsa Zsa Padilla, Pokwang, Erich Gonza­les, Kim Chiu, Angel Locsin, Dominic Hernandez (business partner), Nicko F (in charge sa financial aspect ng business niya), at Singaporean author na si Kevin Kwan. Si Kevin Kwan ang author ng libong Crazy Rich Asians na ang movie adaptation ay kasama si Kris.

In all fairness, kahit in-unfollow ni Kris ang majority sa followers niya, walang nag-unfollow sa kanya dahil 3.1-M pa rin ang followers niya sa IG. Naintindihan sila nito.

Kris maggi-gatecrash sa kasalan sa Korea

Magbabakasyon sa Korea si Kris Bernal sa October para makapagpahinga ng ilang araw sa taping ng Impostora. Naisip lang namin, hindi kaya itaon ni Kris ang pagpunta sa Korea sa wedding nina Song Joong-ki at Song Hye-kyo? Ayaw nito nina Lolit Solis, Vinia Vivar, Rose Garcia na avid fan ni Song Joong-ki dahil mauunahan pa sila ni Kris na makadalo sa kasal ng favorite Korean actor nila.

Pero bakit nga kaya sa Korea napili ni Kris magbakasyon at sa October pa. Ano ‘yun? Para inggitin ang Pinoy fans ng Soong couple na ikakasal sa October 31?

Ang sabi ni Kris, taping break na ‘yun at pinayagan siya ng production at ni director Albert Langitan dahil sobra ang hirap niya sa taping ng Impostora. Nagka-sprain na nga ito sa elbow at neck at nanakit pati ang likod, kaya pagbigyan n’yo na!

Fans ni Song Joong-Ki wasak ang puso

Hindi pa namin natatanong sina Lolit Solis kung ano ang gagawin sa October 31, sa araw ng kasal ng favorite niyang si Song Joong-ki kay Song Hye-kyo. Pero si Janice de Belen na isa sa biggest fan ng Korean actor ay may plano na.

“Iinom ako ng Soju sa araw ng kasal ni Song Joong-ki,” sabi ni Janice.

Ang Soju ang sikat na alak sa Korea at lagi itong iniinom sa mga K drama.

Heartbroken na naman si Janice after Lee Min Ho, kaya naghahanap ng bagong mamahaling Korean actor. At marami silang tiyak nakaabang sa balita sa araw ng kasal ni Song Joong-ki.

Samantala, nakadagdag saya at tawa sa My Korean Jagiya ang guesting ni Raymart Santiago na pag-aawayan nina Aida (Janice) at kapatid niyang si Josie (Ricky Davao). Naikuwento ng dalawa ang mga eksenang magko-compete sila sa attention ni Raymart. Ang nilutong pechay ang in-offer ni Aida, at saging naman ang kay Ricky.

Hanggang November pa ang airing ng My Korean Jagiya kaya matagal pa ang tatakbuhin ng istorya. Sa episode bukas ng series, simula na ang agawan at away ng magkapatid na Josie at Aida dahil sa lalaki.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with