^

PSN Showbiz

‘It’s not healthy to be identified with us now’ – Kris

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pang-masa

Julie Anne napabilib ang mga Japanese dignitaries,  Jolo road to forever na ang alok kay Jodi

PIK: Isa si PCOO Secretary Martin Andanar sa naging fan ni Julie Anne San Jose. Nag-perform ang Kapuso singer/actress sa nakaraang Asean-Japan TV Festival kung saan nagkaroon ng public show sa Trinoma Activity Center. Doon lang daw niya nakitang mag-perform si Julie Anne na tala­gang tinilian nang husto ng fans.

Nag-perform din doon at pinuri ang Ri­vermaya maging si Erik Santos, pero proud si Sec. Andanar na nagustuhan ng Japanese dignitaries si Julie Anne.

Pagkatapos ng show, hinanap pa nila si Julie Anne pero nakaalis na ito dahil humabol pa siya sa rehearsal ng Sunday PinaSaya.

PAK: Nakakaaliw ang huling post ni Cavite Vice Governor Jolo Revilla noong kamakalawa lang kung saan ipinagdiwang nila ni Jodi Sta. Maria ang kanilang anniversary.

May kuha sila ni Jodi na may hawak na isang Ecuadorian rose, at ang mensahe ni Jolo sa kanya ay, “Happy 76th monthsary my love!! Pasensya ka na sa kakulitan ko..:) mahal na mahal kita….road to forever na to!:) promise!”

May isang account na tingin namin private account ito ni Jodi na sumagot ng “hmmmm…”

Nag-comment naman ang mag-partner na Pampi Lacson at Iwa Moto sa nasabing post. Sabi ni Iwa, “’Di ko kinaya ang monthsary!! Hahaha. Tamis!”

Sabi naman ni Pampi, “Happy monthsary sa inyo tol!”

BOOM: Inamin ni Kris Aquino sa isang follower na hindi magandang ma-involve sa kanilang pamilya sa panahon ngayon. Isa raw iyon sa mga dahilan kung bakit nag-unfollow siya sa lahat.

Isang follower ang nagtanong kung bakit wala na siyang pina-follow. Sabi niya, “To spare people I follow of any reprisal or harassment. Sad but true—it’s not healthy to be identified with us now.”

Nasilip naman namin kahapon, meron na siyang pina-follow, pero iilan na lang na close sa kanya, kagaya nina Angel Locsin, Zsa Zsa Padilla, Pokwang, Erich Gonzales, at Kim Chiu.

Nagulat lang kami na isa sa pina-follow niya ay si Alden Richards.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with