PSN Home Skinning Left , pagematch: 1, sectionmatch:
PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Kontrata ng mga artista sa serye tatlong linggo na lang!

PIK: Sa Linggo, September 24 na magsisimula ang bagong game at gag show na pagsasamahan nina Vic Sotto at AiAi delas Alas. Mapapanood ito pagkatapos ng Kapuso Mo Jessica Soho na sasa­mahan din nina Jose Manalo bilang sidekick ni Bossing Vic at Tart Carlos na sidekick naman ni AiAi.

Natutuwa si Bossing Vic dahil si AiAi ang ka-partner niya na madaling makasundo.

Mga stand-up comedian ang guests nila sa pilot episode nito sa Linggo.

PAK: Totoo kaya ‘yung nababalitaan naming binago raw ang kontrata ng ilang mga artista na involved sa ilang drama series ng ma­laking TV network?

Tigatlong linggo na lang daw ang kontrata nila, na kapag hindi maganda ang performance sa ratings, puwede nang tsugihin agad.

Kaya ang ibang artista raw ay naloloka na rin dahil hindi alam kung tatawagin pa ba sila sa susunod na taping o waley na!

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Dapat silang magpakitang-gilas kung ayaw nilang matsugi sa serye.

BOOM: Deretsahang sinabi sa amin ng dating Starstruck avenger na si Vivo Ouano na may ilang taga-ABS-CBN daw na nagpaparating sa kanya ng indecent proposal kaya nagdadalawang-isip siya kung tutuloy pa sa pag-aartista.

Nakausap namin si Vivo sa rehearsal ng sexy comedy stageplay na Solo Para Adultos kung saan magpapa-sexy siya sa entablado.

Pagkatapos ng stageplay ay hindi pa raw niya alam kung tuluy-tuloy na siya sa showbiz dahil wala naman daw siyang manager na puwedeng mag-handle sa career niya.

Sinundan namin siya ng tanong kung marami bang bading ang nag-alok sa kanya na i-handle ang career pero dyodyowain siya.

“Maraming nag-aalok sa ABS,” diretso niyang sagot.

“Mga secretary nila nagti-text sa akin eh, na gusto ka i-meet na ganito, tapos tutulungan ka,” dagdag niyang kuwento sa amin.

Sa ngayon ay masaya na raw siya sa kanyang asawa at dalawang anak. Kaya hindi na raw niya kailangang makipagdyowa sa bading para lang magka-project. Iniisip na lang daw niya na kung para raw talaga sa kanya ang showbiz ay ibibigay ito ng Diyos.

Sa October 20 na magsisimula ang Solo Para Adultos na mapapanood sa Music Museum.

Kasama ni Vivo rito ang Mr. Gay World na si John Raspado, April ‘Congrats’ Gustilo, Tori Garcia at ang dating Protégé finalist na si Andres Vasquez.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us:
PSN Home Skinning Right, pagematch: 1, sectionmatch: