^

PSN Showbiz

Kim halatang hiwalay na kay Xian!

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Tila kahit patuloy ang pagtanggi ng Chinita Princess na si Kim Chiu sa sinasabing pagkaka­labuan nila ni Xian Lim, ay parang wala na sila.

Sinabi niyang walang ganung kaganapan sa pagitan nila ng kanyang ka-loveteam.

Kung may selosan mang naganap nung simula ng pagtatrabaho nilang muli ni Gerald Anderson, agad naman nilang  na-overcome ito. Ang selos naman ay hindi lamang nagaganap sa mga magkakarelasyon kundi maging sa mga magkakaibigan.

Kung mas close pa rito ang inabot ng relasyon nila ni Xian ay mabilis naman silang naka-recover at naka-move on. At kung paniniwalaan natin si Kim, maganda pa rin ang relasyon nila. Okay pa rin sila, pero sa ngayon ay trying very hard sila na huwag umasa sa isa’t isa. So far naman ay nakakaya nila. Xian even won an acting award sa isang movie na wala si Kim.

Ang “balikan” project nina Kim at Gerald naman ay pinapanood ng marami. Nagku-concert na rin si Xian. May pangatlong album naman na si Kim na Touch of Your Love na nakatakdang ilun­sad sa buwang ito sa Sky Dome.

Pero pareho sila ni Xian na walang ibang lovelife. Si Kim ay nagsabi ring walang wedding na magaganap sa kanya in 5 years time.

Jackie kinakawawa sa karapatan sa anak

Napaka-cruel naman ng isang basher na nag-react ng hindi maganda sa birthday message ni Jackie Forster sa kanyang bunso kay Benjie Paras na si Kobe Paras.

May kasama pang larawan ni Kobe nung bata pa ito ang post ng estranged mom na wala namang sinabing masama o hindi maganda sa basketbolista niyang anak bukod sa pagbati niya rito pero napagsabihan pa siya ng hindi maganda at nadamay pa ang isa niyang anak. Tsk. Tsk. Tsk.

Akting ni Maricel masusubukan kung di pa nangangalawang

Muling masasaksihan ang mahusay na pagganap ni Maricel Soriano sa isang episode ng Maalaala Mo Kaya ngayong– Sabado, Set. 23. Gagampanan niya ang role ng isang ina na nag-ampon ng batang lalaki na tulad niya ay anak din sa labas. Pareho silang ‘di tanggap ng kani-kanilang pamilya.

Para makapag-aral ay humingi ang batang si Jayson ng pam­­paaral sa kanyang biological mother na ibinigay naman nito not out of love but out of obligation. Nakatapos siya ng isang vocational course, pero nagpasyang ipagpatuloy ang ko­­le­hiyo niya na siya mismo ang tumutustos.

Nagkasakit ang inang umampon sa kanya at kinailangang dalhin ito sa isang napa­kala­yong ospital. Nang gumaling ay hindi niya maiuwi ng kanilang bahay dahil malayo, hindi kakayanin ng katawan nito. Nakiusap siya sa kanyang tunay na ina na kupkupin ito, pero hindi ito pumayag. Ganundin ang mga kamag-anak ng umampon sa kanya.

Sa kalaunan natuto si Jayson na huwag umasa ng pagmamahal sa iba. Sapat na ang pagmamahal nila sa isa’t isa ng babaeng umampon sa kanya.

Kasama ni Maricel sa episode ng MMK na idinirek ni Dado Lumibao sina JC de Vera, Dimples Romana, Louise Abuel, Raikko Mateo, Lito Pimentel, Michael Roy Jornales, Lui Villaruz, at Menggie Cobarrubias.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with