^

PSN Showbiz

ER Ejercito pinagbantaan si PNoy na babarilin

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Malaki ang pasasalamat ni Sanya Lopez sa GMA 7 dahil pinayagan na rin siyang mag-promote ng pelikulang Amalanhig: The Vampire Chronicles na magsu-showing na ngayong araw. Ito bale ang launching movie ng anak ng dating Laguna Governor ER Ejercito na si Jerico Estregan at idinirek ni Jun Posadas.

Natutuwa si Sanya dahil kinuha raw siya noong wala pa siya sa Encantadia. Hindi pa siya kilala noong kinuha siya pero ipinagkatiwala na sa kanya ang pagiging leading lady ni Jerico.

Kaya kahit sa social media raw ay pinayagan siyang mag-promote dahil noong una ay hindi talaga siya in-allow gawa nang hindi ito produced o co-produced sa GMA 7.

Natawa nga si Sanya, dahil ang akala raw niya si Roco Nacino ang first screen kiss pero si Jerico pala, dahil matagal na nila itong nagawa.

PAK: Sa premiere night ng Amalanhig na ginanap sa Robinson’s Galleria kamakalawa ng gabi, nakausap namin ang ama ni Jerico, ang dating Laguna Gov. ER Ejercito.

Naikuwento niya sa aming may tinatapos din daw siyang pelikula ngayon tungkol sa SAF 44 na ipalalabas daw nila sa January 25, sa third anniversary ng Mamasapano tragedy. Ito raw ang regalo niya sa dating Pangulong Noynoy Aquino.

Tinanong ang dating Laguna governor na kung magkita sila ni PNoy, babatiin ba niya ito.

Sagot niya sa amin, “Kay Noynoy? Babarilin ko sa ulo.

“Kaya nga panay ang firing ko ngayon eh. Sumasali sa mga competition.

“Babarilin ko sa ulo si Noynoy Aquino talaga. ‘Pag makita ko siya babarilin ko siya talaga.”

Naglabas ng hinaing si ER sa mga ginawa raw ni PNoy sa kanila.

“Tinanggal ni Cory Aquino si Erap bilang Mayor nung 1986, tinanggal na naman ni Cory at ni FVR si Erap nung 2001 bilang presidente, tinanggal ako noong 2014. Kaya apat na atraso na ng pamilya Aquino sa pamilyang Ejercito,” pahayag na hindi namin alam kung kaya niyang gawin pag harapan na.

Hindi rin namin alam kung seryoso siya o nagbibiro, pero tinanong namin kung puwede namin s­iyang i-quote sa sinabi niyang ‘yan, na umayon naman siya.

Nag-text kami kay Kris Aquino para hingan ng reaksyon kaugnay sa mga sinabi ni ER.

Marami siyang nasabi pero ang in-allow lang niyang ilabas namin ay ang ipinadala niyang quote na, “Silence, is the best reply to a fool.”

“This is the perfect answer,” sabi lang niya sa amin. One-liner daw pero bull’s-eye na.

BOOM: Matatapos na nga pala ang Trops na pre-programming ng Eat Bulaga.

Napag-alamang ang talk show nga ng tatlong lola ng Kalyeserye na sina Lola Tinidora (Jose Manalo), Lola Tidora (Paolo Ballesteros), at Lola Nidora (Wally Bayola) ang ipapalit sa timeslot na ito bago mag-Eat Bulaga.

Ang title daw ng talk show ay The Lola’s Beautiful Show, tampok sina Jose Manalo, Wally Bayola, at Paolo Ballesteros.

Nagsimula na silang mag-taping, pero hindi pa na-announce kung kailan ang pilot airing nito.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with