^

PSN Showbiz

Anne at Vice may kumpetisyon sa pagbebenta ng make-up!

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Anne at Vice may kumpetisyon sa pagbebenta ng make-up!

Anne

MANILA, Philippines — May sariling make-up line na si Anne Curtis.

Kahapon ay nagkaroon na ito ng laun­ching.

Ang newest cosmetic brand na ‘blk cosmetics,’ ayon  kay Anne ay  personal passion project niya na taon ang binilang bago natuloy.

Ka-level na ni Anne ngayon ang ibang mga Hollywood star na may sariling cosmetic brand.

Available na sa market ang ‘blk.’

Pero hindi lang si Anne ang may sariling make-up line sa kasalukuyan. Meron din si Vice Ganda na ibinibenta na rin ngayon.

Kung kayo ang bibili ano’ng type n’yo, kay Anne o Vice?

Empoy

Empoy ipinahiram lang daw!

Klinaro ni Mico del Rosario ng Star Cinema na dati nang nakakontrata sa kanila ni Empoy Marquez bago pa ito sumikat sa pelikulang Kita Kita.

Ayon kay Mico nabasa ni Ms. Malou Santos, managing director ng Star Cinema, ang isinulat kong pagkatapos lang sumikat ni Empoy saka lang nila ito kinontrata.

Ayon kay Mico ang naganap na signing of contract kamakailan ay renewal na lang dahil nagtapos na ang nauna nitong dalawang taong exclusive contract sa Star Cinema at ipinahiram lang umano ng film arm ng ABS-CBN sa producer ng Kita Kita na ini-release ng Viva ang komedyante.

Pero kinumpirma naman ni Mico na true na tinanggihan ng kanilang movie company na i-release ang movie na nagbigay ng box-office star status kina Empoy at Alessandra de Rossi dahil sa hindi niya binanggit na mga rason. “Dinicline siya ng company for other reasons,” banggit ni Miko sa kabilang linya.

Balitang tatlong beses na-reject ang Kita Kita ng Star Cinema na isa si Piolo Pascual sa mga producer.

Anyway, tulad nga sa napabalita kahapon, makaka-partner ni Empoy sa still untitled movie ang controversial na sexy star na si Ellen Adarna na ‘baby love’ si John Lloyd Cruz.

Jiggy at Pia

Jiggy at Pia nagbabayad sa mga narating sa pagbabalita

Mas mataas nga ba ang rating ng 24 Oras Weekend, ang flagship primetime newscast every Saturday and Sunday ng GMA 7 kesa sa daily edition nito?

Ayon kasi sa  Nielsen TV Audience Measurement mula August 1 to September 10, 2017 (with September 3 to 10 based on overnight data), na­nguna ang 24 Oras Weekend kung saan nakakuha ito ng 8.4 percent at pati raw kalaban ay tinalo.

Sina Jiggy Manicad and Pia Arcangel ang anchor ng 24 Oras tuwing weekend.

Parehong beterano sina Jiggy at Pia.

Si Jiggy ay 20 years na sa pagiging journalist. Bukod sa pagbabalita, host din siya GMA News TV’s afternoon newscast Quick Response Team (QRT).

Kilala sa katapangan sa pagbabalita si Jiggy. Kaya naman ang tagline sa kanya ay: “Sumusugod kahit saan, sa ngalan ng katotohanan”

Member din siyang GMA Team Everest matapos siyang mag-report sa tuktok ng Mt. Everest nang samahan niya ang Pinoy mountaineer na si Romi Garduci na umakyat doon.

‘Yun umano ang unang pagkakataon na  nag-live broadcast sa nasabing bundok ang isang Philippine news organization.

Nanalo na rin siya ng George Foster Peabody para naman sa kanyang coverage sa Super Typhoon Yolanda.

Si Pia naman ay nagsimula sa GMA in 2002 bilang news correspondent ng 24 Oras habang noong 2010 naman siya nagsimulang maging anchor sa weekend news ng GMA.

Naging bahagi naman siya ng news team ng Kapuso Network ng funeral ni Pope John Paul II sa Vatican noong 2005.

At pang-sports din si Pia. Siya ang pinadala noon sa laban nina Manny Pacquiao and Oscar dela Hoya at bakbakang Pacquiao and Timothy Bradley.

Dahil sa kanilang mga achievement, si Jiggy at nagsasagawa ng Jiggy Manicad Stories, a free journalism lecture/workshop for students. Pia on the other hand, is also a faculty member of Assumption College.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with