^

PSN Showbiz

Toni at Paul mga pangarap ang pinag-uusapan ‘pag nagba-bonding

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Pinaghahandaan na ng mag-asawang Toni Gonzaga at Paul Soriano ang first birthday celebration ng anak na si Severiano Elliot o mas kilala bilang Seve.

Mag-iisang taon na sa September 30 si baby Seve at ‘golf’ daw ang napiling tema ng mag-asawa para sa party ng anak. Kinuha ni direk Paul ang pangalan ng anak sa sikat na golfer na si Severiano Ballesteros. “Noong bata pa lang si Paul, naririnig niya ‘yun doon sa lolo niya, kay Nestor de Villa. ‘Yun ang favorite golfer ni Nestor de Villa, si Severiano Ballesteros. Dalawa lang ‘yung pagpipilian ko, golf ‘yung Severiano. ‘Yung Elliot kinuha sa E.T. (pelikula). Alangan namang E.T. ‘yung theme? Matatakot ang mga bata, so golf na lang,” nakangiting pahayag ni Toni sa Magandang Buhay noong Lunes.

Naibahagi rin ng aktres na may bonding moments pa rin sila ni direk Paul kahit na pareho silang abala sa kanya-kanyang trabaho ngayon. “Kapag tulog na (ang anak), ‘yung bababa kayo at kakain kayo. Tapos mag-uusap kami, tapos ‘yung pinaka-favorite namin ni Paul is talk about our dreams. Halimbawa may na-achieve kami. ‘Hoy! Natupad na ‘yung isang dream na ‘yon, nakakatuwa.’ So next dream ulit. Tapos nagkakaroon kayo ng sarili n’yong bucket list, nagkakaroon kayo ng wish list na kapag natutupad ay pag-uusapan n’yo. Mayroon kaming ganoon, ang tawag namin ni Paul doon is ‘Our One Day.’ Mayroon kaming one day din, one day we can do this, one day we will go,” pagbabahagi ni Toni.

Matteo natsa-challenge kay Sarah

Apat na taon nang magkarelasyon sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli. Itinuturing daw ng magkasintahan na hindi ‘showbiz’ ang kanilang relasyon katulad ng iba na nasa industriya.

“I just wanna clarify, we’re never a love team. We don’t work together, we don’t want people to say, ‘Ah, they’re using each other.’ Or I sing with her or ganito, or we’ll do a movie together,” bungad ni Matteo.

Maraming alok na rin daw ang natanggap ng magkasintahan upang magkasama sila sa mga proyekto pero hindi tinatanggap nina Sarah at Matteo ang mga ito. Hanggang maaari ay gusto na lamang daw ni Matteo na hindi isapubliko kung ano man ang estado ng relasyon nila ni Sarah. “There are more than ten offers, so may offers that we both say ‘no’ to, because we wanna save our relationship. We know the true meaning of our relationship. It’s not showbiz, it’s real,” giit ng aktor.

Samantala, sa November 30 ay muling magkakaroon ng concert si Matteo. Marami raw ang nagkukumpara ngayon sa magkasintahan lalo pa’t pareho silang concert artists. “She’s into singing, people will always compare but I’m trying to do my own thing. The challenge is be myself, try to be myself and do what I wanna do. It’s a challenge, a good challenge,” pagtatapos ng aktor.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with