^

PSN Showbiz

Sikat na young actress kinarir na ang pagiging PA, cook at yaya sa BF na actor!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

May kaibang paniniwala ang mga taong malapit sa isang pamosong young actress. Marami kasing bumubulong sa female personality na habang maaga pa ay hiwalayan na niya ang kanyang guwapong actor-boyfriend.

Paglalaruan lang daw kasi siya nito. Ipagpapalit lang sa kung sinu-sinong babae. Pagkatapos daw siyang pagsawaan ng guwapong aktor ay iiwan lang siya nito sa kangkungan.

May mga pagkakataong nakararating sa girl ang pakikipag-date ng kanyang boyfriend sa ibang babae, pero hindi siya apektado, alam niya na hindi siya kayang ipagpalit sa iba ng guwapong aktor.

Kuwento ng aming source, “Super-secure siya, walang-wala sa utak niya na kaya siyang iwan ng guy for another girl. Ganu’na katindi ang belief niya. Kahit anong sulsol pa ang marinig niya, e, pinagtatawanan lang niya ‘yun!

“Paano naman siya hindi magiging secure, e, sa­tis­fied na satisfied ang boyfriend niya sa klase ng love na ibinibigay niya. Ramdam niya ‘yun, alam niya na hindi na maghahanap pa ng iba ang boyfriend niya.

“Okey lang na mag-flirt-flirt ang guy, okey lang na makipagharutan siya sa ibang girl, ang mahalaga, e, si ____(panga­lan ng young actress) pa rin ang nag-iisa sa buhay niya.

“Ano pa ba naman kasi ang hahanapin ng guy sa girlfriend niya, e, nakakita na siya ng karelasyon, nakakita pa rin siya ng cook, yaya, PA at kung anu-ano pa sa girl?

“Napaka-martyr ng girl, wala siyang pakialam, kesehodang bumaba man ang ranggo niya kapag magkasama sila ng boyfriend niya. Matindi siyang mag-asikaso, todo alaga ang ibinibigay niya sa lalaki, wala na talagang hahanapin pa si ____(pangalan ng guwapong bagets actor) sa klase ng pag-aalagang ibinibigay sa kanya ng girlfriend niya.

“Mahalaga ‘yun sa isang relasyon. Buung-buo ang tiwala ng girl sa boyfriend niya, kahit pa ang dami-daming babaeng lantarang nagkakagusto sa guy.

“Para siyang nagtampo sa bigas kapag iniwan pa niya ang girl, wala na siyang makikitang ganu’n katin­ding magmahal. Hindi naman sunud-sunuran lang sa kanya ang babae, love ang tawag du’n!

“Paborito rin ng girl ang color na katunog ng apel­yido ng guy, promise!” pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Sharon walang kaibigang maiiyakan

Palalim na nang palalim ang pagdududa ng publiko tungkol sa sitwasyon ngayon ni Sharon Cuneta. Hindi naman sana ganito ang kanilang kutob kung walang ipino-post na kung anu-anong makahulugang detalye ang Megastar sa social media.

Reaksiyonaryo lang naman ang ating mga kababayan, kung walang pinanggagalingan ay walang isyu, kaso nga ay si Sharon mismo ang nagbibigay ng insinwasyon sa publiko na may matindi siyang pinagdadaanang problema ngayon.

Matagal na ang ganitong postura ni Sharon. Nagsimula ‘yun sa mag-isa niyang pangibang-bansa dahil kailangan daw niyang hanapin ang kanyang sarili dahil pagod na pagod na siya.

Hindi naman dapat isali si Senador Kiko Pa­ngilinan, pero si Sharon na naman ang nagbigay ng ideya, nag-post siya ng retrato ng mga taong napakahalaga sa buhay niya. Larawan ‘yun ng kanyang mga anak. Wala ang senador.

Tinutukan din ni Sharon ang estado ng kanyang kayamanan. Kesyo may nangloko sa kanyang ina nu’ng nabubuhay pa, kesyo may mga taong naghahangad sa kanyang mga naipundar, hanggang sa mag-post pa siya ng kanyang mga kaha de yero na parang malaking imbitasyon sa mga akyat-bahay.

Nagsusumbong si Sharon ng kanyang mga problema sa social media. Nagtatanong tuloy ang marami, kahit ang mga kasamahan niyang artista, kung wala ba siyang mga kamag-anak o pinagkakatiwalaang kaibigan kung saan siya makaiiyak para mabawasan ang kanyang mga dalahin.

Totoong nakalulungkot isipin na lahat ng ma­­ter­­yal na bagay sa mundo ay meron na ang singer-actress. Wala na siyang pinapangarap pang ­mag­­ka­roon dahil bilyonarya na siya, busog na busog na siya sa kayamanan, pero sa kabila nu’n ay malungkot pa rin siya.

Hindi nga makakabili ng kaligayahan at katahimikan ng kalooban sa merkado. Hindi ‘yun nabibili ng salapi. Mistulang bangkang-papel lang ang pera pagdating sa mga emosyon na nag-uugat mismo sa ating sarili.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with